fangirl

86 7 2
                                    

fangirl
150527
cliche tong lintik na storyang to pero isusulat ko padin.
(((true story to except sa part na naging official sila chen at liyin chika lang yon hahahahaha nahurt lang yata si ate sa ship na yon huehue)))

___________________________

flashback, one year ago.

"aaaaaaah! putangina!!! ang gwapo gwapo ni kim jongdae!!!!!!!!!" sigaw ko sa harap ng laptop ko habang nakatingin sa mga bagong airport previews ng pinakamamahal ((talaga)) kong si kim jongdae, aka chen.

at kung tanga ka para hindi magets, exo-l ako.

syempre may mga real life akong fangirl friends. exo-ls din pero syempre takot nalang nilang makalbo kung si chen ang bias nila.

alam ko namang hindi lang ako ang nag iisang fangirl ni chen, pero kahit na. halos gabi gabi, iniisip ko yung iba't ibang paraan na magkikita kami pag nagpunta akong korea. yun bang kunwari magbubungguan kayo sa isang coffee shop, matatapunan ako ng kape nya, magmamaldita ako na para bang hindi ko sya kilala pero puro mukha nya yung nasa bawat gilid ng kwarto ko, tapos kukunin nya number ko, tapos magkakatext mate kami via line kahit tight yung schedules nya, mga ganong insidente ba.

oo, delusional fan din ako. bakit ba, mangangarap ka na nga lang ng imposible, gandahan mo na. libre lang naman.

hindi sa pagbubuhat ng sofa pero mabait akong fan. yung tipong sya yung ginawa kong inspirasyon para mapanatili yung pwesto ko sa top ten, na sinusuportahan sya sa lahat ng ginagawa nya, na iiyak nalang sa gabi bago matulog dahil sa isang realisasyon.

lumagpas ka na sa linya ng pagmamahal sa isang idol sa totoong lalaki. sa lalaking maabot mo pa.

imposible dahil hindi ko naman sya kilala sa personal, pero wala e. sumobra yata yung pagiging delusional ko na nainlove ako sa lalaking napapanood ko lang sa laptop ko.

tapos tangina paggising ko, chineck ko agad yung twitter ko, tapos nangyari na.

sila na ni liyin.

matic na pumupunta samin yung mga kaibigan ko para sama sama kaming nagfafangirl, pero naramdaman ko nalang yung tatlong pares ng brasong nakayakap sakin. dun na ko bumigay.

"putangina, e. kasalanan ko naman, ako yung nahulog. putangina, putangina nung nagsabing masayang maging fangirl. masokista yata yung gagong yun e! masaya bang mabroken hearted ng bias mo dahil may girlfriend na siya?! ha?! tangina! hindi ko rin naman ginusto 'to, e. naki-go with the flow lang naman ako. bukod sa pagmumura ano bang ginawa ko pang masama para madeserve to?! yung mahalin ba sya?! hindi lang naman ako yung nagmamahal sa kanya ha! bakit, bakit pakiramdam ko sakin yung pinakamasakit? siguro dahil cinross ko yung linya. oo, ayun nga. ang tanga tanga ko. napakapathetic ko. tangina." hindi ko maexplain yung sakit. yun lang yung pakiramdam ko. pathetic ang buhay ko bilang isang fangirl.

"tahan ka na bes.... marami pa namang iba jan... hindi mo naman kasalanan na nahulog kang dirediretso. tao ka lang naman. lahat ng tao dumadaan sa ganyan."

"masaya naman ako para sa kanila e, ako lang tong nagdadrama na nasasaktan. sakit kasi, tanginang yan. pero hinanda ko na naman na sarili ko para dito e, alam ko namang dadating din tong araw na to. pero parang wala parin pala lahat ng paghahandang ginawa mo pag totoo na. grabe padin yung sakit." inalo alo nila ako. pinakalma, pinatawa, lahat. pero pakiramdam ko pinakamasakit na heartbreak ko na to, at di na ko makakamove on.

present. nakamove on ako. siguro. may bagong bias na ko e. hindi na rin ako exo-l. pero namomroblema parin ako.

hindi na kasi ako makapagfangirl ng maayos.

hindi na ko nagiging delusional na fangirl, dahil palagi akong hinahatak pababa ng realidad na hinding hindi mangyayari lahat ng gusto kong isipin. hindi ko mabigay yung pagmamahal at suporta na gusto kong ibigay bilang isang fangirl sa bago kong ub dahil kakarampot nalang yung natira, lahat na kay chen padin. kaya naiinis din ako. kasi hanggang ngayon, pathetic padin ako.

yung para bang nagtasa ka ng lapis, nawala sayo, tas nagtasa ka ng bago. yung bagong lapis hindi mo matasahan ng ayos kasi meron palang nakabara sa loob. may parteng galing sa unang lapis na nakabara sa pantasa. kaya bitin yung natasa mo sa lapis. kakarampot lang na pagmamahal at suporta yung nabigay mo. kasi naiwan mo sa una yung halos lahat.

sa bago kong bias, may gusto lang akong sabihin kahit alam kong hindi mo mababasa to dahil busy ka at hindi mo naiintindihan ang language na to. sorry. sorry kase hindi kita masuportahan gaya ng ibang mga fans mo. sorry kung para kang rebound, pero hindi. mahal kita bilang fan mo, at ayos lang naman yon.

at sa dati kong ub na si kim jongdae, tangina mo. pakibalik yung feelings ko, kasi gusto kong ayusin yung sarili ko. gusto kong makapagfangirl ulit ng maayos, yung walang humahatak sakin pababa pag sinusubukan kong taasan yung imaginations ko. parang awa.

love,
fangirl.

fangirl.Where stories live. Discover now