One Thing

44 4 0
                                    

CHAPTER 7

Nagsimula ang lahat sa pagpapanggap. Nagpanggap akong di kita gusto. Nagpanggap akong ayokong mapalapit sayo. Nagpanggap akong ayokong maiinlove. Pero ito na, inlove na ko.

Kilala ako bilang isang taong reserved. Matapang. Pero nawala lahat ng yun nung nakilala kita. Para akong mababaliw tuwing nakikita kita. Nakakalimutan kong huminga. Nababaliw ako sa presence mo. Iba ang tama mo sakin Alfred Santos! Iba ang epekto mo kay Momorin Tolentino! Nanghihina ako kapag andiyan ka. Kapag malapit ka na di ko na alam yung gagawin ko. Nauutal ako. Parang nakalimutan ko ng magsalita. Para kong naninigas pag andyan ka lang sa malapit. Kung ano anong nakakalokong bagay yung nagagawa ko kapag andyan ka na.

"Turan mo ko"

"Turuan?"

"OO! Turuan mo ko please?"

"A-ah... o-okay.. ano bang ituturo ko?"

"Turuan mo kong magmahal" napakagat ako sa labi ko at napalo ko si Ed.

"ARAY! BOSS! WALA NAMANG SAKITAN KUNG KINIKILIG KA SAKIN!" Sambit ni Hajee habang hinihimas yung braso nya.

"Pinagsasabi mo nanaman Torres! Ikaw ang stress ng buhay ko!" Sagot ko sa kanya. Hinimas himas ko ang gilid ng noo ko upang lalong inisin si Hajee.

"Wag mo na nga ako isasama jan sa mga kalokohan mo Tolentino!" Sabay hablot sa pencil nya na aking hawak hawak.

"To naman, sa lapis lang pala naiinis. Kaya ko naman bumili nyan naiwan ko lanh sa bahay kanin"

Napakamot siya ng ulo. "Boss. Di yun yung kinagalit ko." Umiling iling sya at itinuloy ang kanina nya pang ginagawa. Tinignan ko din yung ginagawa ko at tinuloy ito.

"Ikaw na nga ang nag" huh? Ano yung binubulong bulong ni Hajee. Nababaliw na to. Kinakausap yung sarili. Tinignan ko sya. "Hay. Buhay. Mali siguro. Mali. Tsk. Tsk" umiling iling sya habang nagsasalita. Aasarin ko dapat sya ngunit na patingin ako kay Aisha.

"Psssst!" tawag ko kay Aisha. Busy sya kausap ang The Boys. Ang saya saya nilang tignan. Tawa sila ng tawa. Nakakatuwa naman. "Aisha! Huuuuuy!" Di nya ko pinapansin. Pinagpalit nako ng bestfriend ko sa The Boys. "Ayyyyii--"

"hoy! Aisha!" Iritang tawag ni Hajee kay Aisha. Napatigil lahat ng tao sa klase. Buti wala si Maam, dahil Lab class naman ito. Nakatitig lang si Aisha kay Hajee. Medyo ngumiti ngiti. "Kanina ka pa tawag ni Tolentino" kinuha nya ang mga gamit nya at sabay nga walk out.

Nagtinginan naman kami ni Aisha at sabay nagkibit balikat. "Uy! Aisha, bukas ah!" Tapik ni Kristoff sa balikat ni Aisha na sinagot nito ng tango. "Boss! Wait! Wait for us!" Hinabol na ng The Boys si Hajee.

"Napapadalas mairita at magdrama si Hajee" sabi ni Aisha pagkalapit nya sakin dala ang mga gamit nya.

"Oo nga eh. Nababaliw na ata. Kung ano anong sinasabi kanina. Hugot yata?" Iniligpit ko ang gamit ko at isinuot ang backpack ko.

Naglakad kami palabas ng classroom ni Aisha. "Bakit mo nga pala ko tinatawag kanina?" Kumuha sya ng candy at inalok ako. Kinuha ko ito at isinubo.

"Ah, sabihin ko sana na di tayo magsasabay muna"

"hmmm... lunch date with Ed?"

"Oo"

"Napapadalas ah! Kayo na ba?"

Kiniliti ko si Aisha. Naalala ko si Kristoff. Sinimulan ko syang asarin "Ikaw aaahh! Di ka nagkwekwento. Magkikita pala kayo ni Kristoff bukas! Ayiiiee!" Pinigil nya ang pangingiliti ko. "Wag mo ko kilitiin! Ah, oo nga. Kanina lang naman napagplanuhan yun"

Map to the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon