Chapter 23 Part 2: 2nd Ending

2.8K 117 63
                                    

Sobrang sikip na ng dibdib ko nang matigil ako sa harap ng kuwarto niya, na para bang kahit ano mang segundo ngayon ay sasabog na ito sa pagod. Kaya sumandal na muna ako sa pader upang makapagpahinga at hayaan ang isipan kong bigyan ako ng sapat na dahilan kung bakit ko naisipang gawin ito sa sarili ko - ang tiisin ang sakit sa bawat pagtibok kahit gusto ng sumuko ng puso ko. And there was only one reason I could find - Kester.

Siguro ganoon ko siya ka-miss kaya nagawa kong bumaba ng jeep na na-stuck sa traffic, tinakbo ang distansyang pumapagitna sa pinanggalingan ko at ng hospital, at kinayang tiisin ang sakit na dulot ng pagtakbo ko na walang paghinto. Gusto ko kasi siyang makita. At kung hindi man iyon sapat na dahilan para gawin ko itong lahat, siguro nga baliw na talaga ako.

Huminga ako ng malalim, sinusubukang pabalikin sa normal nitong pagpintig ang puso ko habang tinititigan ang pintong naghihiwalay sa’min ni Kester.

Halos isang araw na rin nang mag-usap kami ni Kester sa loob ng kuwartong ‘yan tungkol sa kalagayan niya. Sabi niya sa’kin, magpapa-opera siya kinabukasan no’n at tinotoo naman niya ang pangako niya.

Isinagawa ang operasyon kahapon pero hindi ako o kahit sino man ang hinayaang puntahan siya sa kuwarto niya matapos ‘yon. Kailangan pa daw kasi niyang magpahinga matapos ang nasabing operasyon ng kahit isang araw man lang.

Kaya ganon nalang ang pagkasabik ko na makita siya na nasigawan pa ako ng Professor ko sa huli kong subject dahil kumaripas ako ng takbo nang tumunog ang bell.

I know it’s just one day of not seeing him. Pero alam mo ‘yon? Kahit ilang oras pa lang ang lumipas nang huli mo siyang makitang nakatitig sa mga mata mo, narinig na sabihin ang pangalan mo... pakiramdam mo pa rin ang tagal na no’n. Pakiramdam mo you were separated for a long, long time and that every single second you can’t see him was a torture.

Siguro malaki ang naging epekto nang pagkakita ko sa kanya na wala ng buhay para maramdaman ko ito - ‘yong lalim ng pangangailangan kong makita siya sa madaling panahon. I mean, that time when I saw him lying dead on the hospital bed... I thought he was gone for real and would never come back again. Akala ko, hanggang doon na lang talaga siya.

Ngunit dahil sa pagbabalik oras ko, nabuhay siyang muli at mula no’n, bawat oras na makita ko siyang humihinga ay napakahalaga na para sa’kin. Doon ko lang kasi napagtanto ‘yong isang malaking leksyon sa buhay: Death knows no time. So every single second he breathes, jokes, smiles, dances is so damn precious that you had to treasure it like gold. Because once death comes, it has to take what it should take and time won’t even care. It won’t go backward nor stop for you but continue to tick forward like nothing has ever happened.

Sinuwerte nga lang talaga ako. I had the closet that would bring me back to time and I had my chances to get things right. Kung hindi pa dahil do’n, hindi ko na talaga alam kung sa’n ako pupulutin ngayon... dahil panigurado nabaliw na ako.

I heaved a deep sighed and wipe my palm against my skirt. Tumayo na ako ng maayos at naglakad na patungo sa harap ng pinto ng kuwarto. Ipinatong ko ang kamay ko sa hawakan nito at sa ‘di malamang dahilan ay bigla nalang akong kinabahan. Wala ring naging silbi ang pagpapahinga ko para magbalik normal ang pintig ng puso ko dahil bumilis na naman ito.

Sh*t naman oh!

Binigyan ko ng isang malakas na hampas ang dibdib ko bago tuluyang iikot ang hawakan ng pinto.

Bahala na.

Mahina kong itinulak paloob ang pinto, sinilip kung may ibang tao at nang masiguradong wala ay pumasok na nga sa loob.

Nadatnan ko si Kester na nakahiga sa kama at abalang-abala na nanonood sa naka-on na telebisyon. Hindi ko napigilang ang pagluha at pagngiti ng sabay nang makita iyon. He’s alive and not just alive, he’s tumor free.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon