Chapter 23 PART 1: 2nd Ending

2.6K 122 30
                                    

Pilit kong idinidilat ang aking mga mata nang malaki upang mas makakita ako ng malinaw, pero kusang lumiliit ang mga ito na para bang gusto na nitong matulog at hindi na magising pa. Pagod na pagod na kasi ako sa kakaiyak at kahit gusto ko mang pigilan ang sarili ko sa pagbuhos ng isa na namang balde ng mga luha, hindi ko magawa. Para kasing gripong sira ‘tong mga mata ko, hindi ko maisara-sara.

Hindi pa nakatulong ang mga sandaling napapatingin ako sa kamang pinaghihigaan ni Kester. It hurts me even more. Seeing him lie down there, not breathing.

And it felt like seeing him in front of me with no sign of life at all, bursted the balloon of tears I tried to bury within me for the past years. Naisip ko nga, nangyayari kaya ito ngayon dahil hindi ko hinayaan ang sarili kong umiyak noon? Na dahil hindi ko ginamit ang mga luha ko noon kaya dumating ang araw na ‘to kung sa’n kakailanganin ko ng maraming luha na ilabas? Sh*t! If only I knew I was holding back my tears just to use it for the worst scenario, then I would have allowed myself to drain all these tears before.

“Kes?” isang nanginginig ngunit pamilyar na boses ang aking narinig at sa pag-angat ko ng aking ulo ay may nakita akong malabong pigura na pumasok sa pinto.

Pinahid ko ang mga luha na bumabasa sa mga mata ko gamit ang aking braso at naging malinaw na nga kahit papa’no ang aking paningin. At hindi nga ako nagkamaling pamilyar nga ang boses na narinig ko. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses ‘yon. Si Ginny Madrigal.

“Kes? Kes? Buhay ka, diba? They just made a mistake right? ... Kes!!!”

Ang pag-iyak ni Ginny naman ngayon ang pumalit sa mga hikbi ko. Ang pagsigaw niya habang niyuyugyog ang walang buhay na katawan ni Kester ang tanging umaalingaw-ngaw sa apat na sulok ng kuwarto.

Para kong pinapanood ang replay ng reaksyon ko kanina nang malamang wala na si Kester. Isang babaeng binawian ng taong mahal niya at hindi matanggap ang pagkawala nito ngunit ang tanging magagawa lang niya ay ang iiyak lahat ng sakit na nararamdaman niya.

I can feel her pain, her sorrow as she carresed his face. Dahil sa unang pagkakataon, naging pareho kami ni Ginny. Nasasaktan dahil nawalan.

Pinagmasdan ko lang si Ginny sa mga sandaling iyon.

Kanina akala ko ako lang ang iniwan ni Kester at ako lang ang umiiyak kasi wala na siya ngunit ngayong nandito na si Ginny sa harapan ko, pakiramdam ko ‘yong sakit na naramramdaman ko, hinding-hindi maikukumpara sa pagdadalamhati niya. Because even before I came into their life, they had always been together. And she loved him first.

Ginny’s eyes suddenly wandered around the room and it halted at my sight.

Nagbago ang ekspresyon niya. It became dark and vengeful. Napayakap ako lalo sa aking mga tuhod habang nakaupo dito sa isang sulok at pilit na iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil napagtanto kong sa kabila nang pareho naming nararamdaman ay may pagkakaiba pa rin kami.

It was the fact that she wasn’t guilty for anything and I was.

I was guilty for Kester’s death.

And I indirectly caused Ginny’s pain and sorrow.

“Ikaw...” Nanginginig pa ang buong braso niya pati ang mga kamay at daliri niya nang itaas ito upang ituro ako. “Ikaw ang may kasalanan nito. Ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Kes! IKAW!” Sigaw niya at pakiramdam ko yumanig ang buong kuwarto sa sobrang lakas ng boses niya.

Susugurin pa nga sana niya ako subalit kaagad siyang napigilan ng mga natirang staff dito sa kuwarto. They held her tight for her not to be able to move any closer to me.

“Bitawan niyo ko! Papatayin ko ‘yang babaeng ‘yan!” sigaw niya ulit habang kumakawala sa mahihigpit na hawak ng mga nars.

Nanggagalaiti siya sa galit at naiintindihan ko ang poot niya para sa’kin. I felt the same way for myself too. I loathe myself for still breathing. It serves as a reminder to me that in exchange for this second life, I have to take away the life of not just any person, but the person I love the most.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon