Chapter 45: In A Hurry

8.9K 221 16
                                    

Chapter 45: In A Hurry


TAMAD NA INIMULAT ni Monic ang kanyang mga mata at antok na tumitig sa kawalan.

Umaga--alam niyang umaga na, at isa iyon sa usual mornings niya kung saan kailangan niyang kumilos para bumangon, maghilamos, mag-almusal, maligo, magbihis, at pumasok sa trabaho. But then, it hit her--'yung reyalidad at ang mga nangyari kahapon.

Napabangon siya bigla at tinignan sa kanyang tabi si Marky. Pero wala na ang binata roon.

"Marky?" Malakas niyang tawag dahil baka nasa CR lang ito. Pero wala siyang sagot na natanggap.

Asan na 'yon? Isip niya habang nagkukusot ng isang mata at bumababa ng kanyang higaan.

It was just 6:30 in the morning, as what her wall clock said, at nag-aalala siya dahil imposibleng magaling na agad si Marky mula sa sakit nito. Ang taas kaya ng lagnat nito kagabi--tumaas pa mula nang makatulog na ito. Kaya hindi siya nakatulog nang diretso kagabi eh. Maya't maya siyang gumigising para i-check ang temperatura nito at para palitan ang basang towel na pinatong niya sa noo nito. Alas-tres na ng madaling araw nang umayos ang temperatura nito, at doon na niya hinayaan ang sarili na makatulog nang mahimbing.

Madaling naghilamos si Monic sa CR ng kanyang kuwarto at madali ring bumaba ng kanilang tahanan para hanapin ang kanyang nobyo. And there she found him in the kitchen, frying something over the microwave stove, making her sigh in relief.

Huminto siya sa may pintuan at tinitigan ang likuran ng binata. His back, his broad shoulders, his messy hair--she couldn't get why it was always a pleasure to her to stare and admire those--always giving her the urge na panggigilan itong yakapin.

Wala na sanang ibang plano si Monic bukod sa titigan ang kanyang nobyo, nang bigla niya itong makita na nag-inat sa paraan na tila masakit ang likuran nito.

"Uy, magaling ka na ba?" Worried niyang tanong sabay lakad palapit dito.

Nilingunan na siya ni Marky. Mukhang nagulat pa ito pero agad siyang nginitian nang nakakaloko.

"Oo naman. Ikaw ba naman ang nag-alaga sa akin eh."

Monic made face, and reached up for his cheeks as soon as nakalapit siya rito.

"Anong oo magaling ka na? Medyo mainit ka pa kaya!" Sita niya rito.

Natawa si Marky at kinulong siya sa isang yakap. "Kulang lang ako sa yakap ngayong umaga."

"Ay, nako, Marky. Mahiga ka na lang muna do'n sa kuwarto ko. At ano ba 'tong niluluto mo? Ako nang gagawa nito--OMG!" Halos tumakbo siya palayo sa kalan dahil sa mantikang biglang tumalsik. Pero hindi siya pinakawalan ni Marky at inikot lang ang puwesto nila para maiharang ang sarili sa pagitan niya at ng kinatatakutang kalan.

"Talaga? Ikaw na ang magtutuloy nung piniprito ko?" Natatawang tanong ni Marky.

"Hindi, joke lang. Sige tapusin mo na 'yan tapos bumalik ka na sa pagpapahinga ha?"

Lalong natawa si Marky at muling inikot ang puwesto nila upang maabot ng isa niyang braso ang spatula at magalaw ang piniprito. Doon lang nagawang mapansin ni Monic na chicken nuggets pala 'yon. She instantly felt hungry at the sight of it. Hindi ba naman kasi siya nakakain ng hapunan kagabi.

"Bakit ba ang aga-aga mo nagising?" Tanong niya kay Marky, subsconsciously letting her head lean against his chest and her arms wrap around his waist.

"Kailangan ko na kasing bumalik ng Pasay. Si Alannah, iniwan ko kay Alastor eh. Mamaya hindi na siya ibalik sa akin ng lalaking 'yon."

"Grabe ka naman." Napalayo siya rito, just enough to look up at his face. "Anong tingin mo sa kaibigan mo? Kidnapper?"

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon