Kabanata 2

4 2 0
                                    

Kabanata 2

Sa mga sumunod na araw, ganon pa rin naman ang ganap. Walang pag babago. Well, except sa mga lessons na hindi ko pa rin na iintindihan. Ewan ko ba. Parang may malaking barrier sa utak ko na pinipigilan makapasok ang mga dapat pumasok. Eto tuloy ako ngayon. Nga-nga habang nag ki-quiz sa Music. Oh? Sasabihin nyo, Music na nga lang hindi ko pa kaya? Kayo kaya dito at kabisaduhin nyo tong mga notang toh. Kainis.

"Pass your papers to the center, then forward." Ani Ms. Albaira. Ang aming butihing Music Teacher. Sa sobrang Bait nya, hindi na sya nag tuturo. Puro concept notes at activity, at akalain nyo yon, may gana pang mag pa quiz gayong hindi naman sya nag tuturo? Ibang klase, ano? At kung minsan nga nag tataka rin ako kung Music class pa ba itong pinapasukan ko. Dahil puro na lang sya pa kopya. Tatlong manila paper sa isang Blackboard. At dahil meron kaming dalawang board dito sa room, anim na Manila paper lahat-lahat ang kinokopya namin tuwing Friday. Ngayon sabihin nyo sa akin, Music class pa ba ang tawag dito O Writing Class? Nakakapag taka, ano?

"Okay, Copy your assignments on the board."

"Miss, Bawal po ang mag pa assignment. Diba po DLP na tayo?" Reklamo ng isa kong kaklase. Ayan! Tama yang ginagawa mo. Ipag laban mo ang dapat ipaglaban.

Umismid si Ms. Albaira atsaka nag salita. "If that's the case. Then, consider this as your take home activity." Sana hindi na lang sya nag salita. Hindi, ba?

"But, Mis--" mag rereklamo pa sana sya, kaso naunahan na sya ni Ms. Alabaira ng pag taas ng kamay.

"No buts for you miss. Copy your take home activity. I'll check it once you're all done."

Sige lang mga uto-uto kong kamag-aral. Sundin nyo ang kumag na yan.

Patuloy pa rin sila sa pag rereklamo. Kesyo bawal naman daw talaga ang mag pa assignment. If I were you guys, I'll tell the OSA about this matter. But I am not you. So I wont tell them. I'll just keep my mouth shut. Para sa ikabubuti ng lahat. Lol.

"Bakit ka naka tunganga, Ms. Santos? Hindi ba may pinapakopya ako? Where's your activity sheet?" pinanlakihan nya ako ng mata kaya wala akong nagawa kundi ang kumuha ng activity sheet sa bag ko. Pero asa namang kokpya ako nyan? Kung kokopya man ako, yung sagot, hindi yung tanong.

"You have one week to do that activity since tuwing friday lang tayo nag mi-meet. Okay. Goodbye class. See you next meeting." Sabi nya at agad-agad lumabas ng room.

Tumungo ako pag katapos kong uminom ng tubig. Mas gugustuhin ko pa ang matulog mag damag kesa gumawa ng mga activities. Sabihin nyo ng tamad ako--kahit yon naman talaga ang totoo. Pero para saan ba talaga ang mga matataas na grades? Magagamit ko ba yan sa negosyo? Mapam bibili ko ba yan ng mga kailangan ko? Pag bumili ba ako, ipakikita ko lang yung Form 138 ko sa cashier, tapos mababayaran na lahat ng pinamili ko? Kung sana ay ganoon nga. Eh kaso hindi naman diba? Basta ba madiskarte ka at alam mo kung paano mag ka pera, magaling ka na.

Pag angat ko ng ulo ko, bumungad kaagad sa akin si Ms. Reyes na nakangiti at marahang tumatawa habang kausap si Matthew na nakayuko habang nag kakamot ng ulo. Parang nahihiya habang kausap si Ms. Reyes. Oh, well. Sino bang hindi mahihiya kung ang kausap mo ay isang dyosa? Kaya siguro kapag may mga kausap ako, lagi silang nahihiya sa akin.

Masaya silang nag tatawanan at nag uusap. Kung minsan ay hinahampas pa ni Ms. Reyes ang braso ni Matt. Wow. Ganito na pala ang nagagawa kapag napapatawag ka sa Guidance. Nagiging close kayo ng head Guidance councilor.

Maya-maya ay napatigil sa pag tatawan ang dalawa dahil bigla na lang dumating ang naka busangot na si Elise at kinalabit si Matthew. Napalingon si Matthew sa kanya at may ibinulong na syang ikina ngisi ni Elise. Pero kabaliktaran na nito ang pag mumukha ni Ms. Reyes. Parang may mga naka aligid na black aura sa kanya. Pero kahit ganon, maganda pa rin sya. Hays. Mapapa buntong hininga ka na lang talaga minsan.

"Huy, Drea. Sino bang tinitignan mo dyan?"

"Yung Araw. Balita ko kasi, kapag tinitigan mo daw ang araw, mabubulag ka. Gusto ko lang ma try kung effective nga. Pero dahil inistorbo mo ako sa ginagawa ko, hindi ko napatunayan na totoo nga iyon. Ang galing, diba?"

"Ewan ko sayo. Pinapatawag ka sa OSA." Napakunot ang noo ko. Wala naman akong ginagawang kabalastugan ah?

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Aba, malay ko. Hindi ka naman ipatatawag kung wala kang ginawang kalokohan, diba?" Bigla kong naramadaman ang pag taas ng altapresyon ko. Nararamdaman ko na ang unti-unting pag tubo ng mga sungay ko. Imbyerna ah.

"So, pinag bibintangan mo akong may ginawang kalokohan? Ganoon ba?" Kalmado kong tanong. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin kayang hindi mag maldita.

"H-hala. Wala naman ak--"

"Shhhh." Pinatahimik ko na ang bruha dahil kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya. At sa sobrang inis ko, lumabas na lang ako sa room kahit may teacher na nag didiscuss sa unahan. Bastos na kung bastos. Pero wala akong pake.

Pag ka baba ko sa Office of the Student affairs and discipline, hindi na ako nag abalang kumatok kahit may nakalagay sa pintuan na, "Knock 3 times before you enter." dumiretso ako sa table ni Mr. Capiz at umupo doon sa tapat ng table nya. Naabutan ko syang nag babasa at may tinitignan na picture sa may Folder.

"Ms. Santo. Did you know why I called you here?" Tanong nya. Nakakaloko lang. Pupunta ba ako dito kung alam ko na kung bakit nya ako pinapatawag? Hindi ako sumagot kaya mahaba-habang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Man, I wont waste my words for you. Limitado lang ang mga salitang baon ko para sayo.

"I guess you didn't know. Well, ikaw na mismo ang umalam kung bakit kita pinatawg dito." Aniya at iniabot sa akin yung folder na hawak-hawak nya at tatlong litrato. Binaliwala ko ang nasa folder at hinblot ang mga pictures.

"So?" Sagot ko matapos kong makita ang mga nasa larawan. Hindi na ako nagulat na nakuhaan ng litrato ang pag susulat ko ng kung ano-ano sa cr ng girls. Tatlong taon ko ng ginagawa yang pag Vavandal sa kung saan-saang parte ng paaralan na ito. At matagal ko na rin alam na may kumukuha sa akin ng litrato. Ang ipinag tataka ko lang, bakit ngayon lang ako na bisto? Bakit ngayon lang may nag sumbong? Tss. Kahibangan.

"Alam kong nag tataka ka pa kung bakit ngayon lang kami gumawa ng aksyon sa mga pinag gagawa mong kalokohan gayong halos tatlong taon mo na itong ginagawa. It's too much Ms. Santos. You already crossed the limits." Napabuntong hininga sya at napasandal sa inuupuan nya na tila ba hindi na nya kaya ang mga pinag gagawa ko. Para namang napaka lala nitong mga toh? Eh, once a month lang naman akong nag vavandal. Kung bakit once a month lang? Syempre, Angel pa din naman ako, ano. Mabait pa ako kahit papaano.

"Later, before you go home, dumaan ka ulit dito. We'll talk about your punishment." Napatayo ako sa kinauupuan ko. Hell, ito ang hindi ko matatanggap. Ang maparusahan. Kung ang Lola ko nga ay hindi ako kayang parusahan, tas kayo aalilain ako? No way, hell way!

"Wag ka ng mag reklamo. Our decision is Final. You may now leave." Gusto ko syang kalbuhin sa sobrang inis. Walangya.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon