the long walk

34 2 6
                                    



Konti nalang...

Bakit parang napakalayo mo parin?

Bakit parang napakatagal naman yatang lakarin nito?

Konti nalang... pero antagal parin. Habang naglalakad, naaalala ko yung mga pinagdaanan nating dalawa. Naalala mo yung panahon na patago pa tayong magkita, dahil hindi pa tayo legal?

E yung panahong para pa tayong mga bata na naghahabulan at naglalaro sa playground?

Ang saya saya natin nun. Inangat ko ang tingin ko at pinanatiling diretso ang tingin sayo habang nangingilid ang mga luha ko.

Konting konti nalang... masasara narin ang distansyang namamagitan satin...

Dahan dahan, lumalapit akong nakasara ang mga kamay...

Mahal, hindi ko akalaing dadating tayo sa puntong ito.

Sa wakas. Nakarating narin ako sa harap mo.

Pero bigla akong nagdalawang isip. Itutuloy ko pa ba o hindi?

Ngunit may naalala din ako bigla.

Sige na nga, itutuloy ko na.

Naaalala mo ba yung panahong nahuli kitang nakikipaghalikan sa best friend ko, at nasa loob pa ng pantalon niya yung kamay mo? 

Yung panahong narinig kong sinabi mo sa kanyang hindi mo naman talaga ako mahal?

Tangina akala ko rin altar yung lalakaran ko papunta sayo eh.

Masyadong malawak yung kwarto mo para ngayon lang ako makalapit sayo.

Tsk. Pero okay lang.

Sa wakas, mapapatay narin kitang hayop ka.

DrabblesWhere stories live. Discover now