Chapter 3: Threat

11.6K 180 6
                                    

Chapter 3: Threat


PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK ni Sheryl sa unit niya, mabilis niyang nilibot ang kanyang paningin sa paligid. She was making sure na walang makikita roon si Vincent ng kung anuman na maari nitong pagdudahan tungkol sa pakikipag-relasyon niya kay Chester.

Well, Chester had never been there. As in even once, hindi pa ito pumupunta roon. So wala naman siyang dapat ikabahala. Pero naroon pa rin sa kanya 'yung urge na makasigurado eh.

Hindi siya mapakali. She was pacing around the living area, looking for anything that might trigger suspicion from Vincent. Hanggang sa mapagdiskitahan na lang niyang pagpagin ang tatlong throw pillows na nasa ibabaw ng sofa.

"Ugh, this is crazy." Naiinis na siya sa nangyayari sa kanyang sarili. Naiinis siya dahil alam niyang guilty lang siya; dahil alam niyang mali ang kanyang pakikipag-relasyon kay Chester  pero ayun siya, nakakapit dito.

But heck. Si Chester ang mahal niya eh. Hindi naman siguro masama ang kumapit sa taong mahal na mahal mo at handang ipaglaban ka sa lahat ng taong kontra sa relasyon niyo, 'di ba?

Her heart felt like in fire as rage started to slowly take over her. Sobrang nag-iinit lang ang kanyang ulo sa pang-iistorbo na ginagawa ni Vincent sa buhay niya.

Nasa pagpa-pagpag ng pangalawang throw pillow pa lang siya nang tumunog na ang door bell. Of course, si Vincent na iyon. Sa galit na kanyang nararamdaman ay binalibag niya ang unan pabalik sa sofa at saka nagtungo sa front door.

"Morning." Casual na bati sa kanya ni Vincent nang pagbuksan niya ito ng pinto.

The guy was in a gray polo with its long sleeves folded up, baring three-fourth of his forearms, paired with black slacks. Ang mukha naman nito ay may ngiti na kinaiinisan palagi ni Sheryl na masilayan.

"Nagpunta ka talaga eh 'no?" Hindi niya maitago ang inis sa kanyang tono.

"Why? You thought I was just kidding about that?" Tila nanunudyo naman ang tono ni Vincent, while Sheryl only kept her sharp stare at him. "Oh, c'mon, Sheryl."

Matawa-tawa si Vincent na nilagpasan siya at dumiretso na ng pasok sa kanyang tinitirahan.

"Bakit ba ayaw mo akong papuntahin dito?" Tanong pa nito habang nagmamasid sa paligid, dahilan para kabahan si Sheryl. "Fiance mo naman ako, ha?"

Lumunok siya para itago ang kaba na bigla niyang naramdaman.

"Not that I don't want you coming by here, Vincent." Sagot niya rito. "But not at this hour. God. Istorbo ka ng tulog eh."

"Pero kay appointment nga tayong dapat puntahan 'di ba?" Naglakad pa ito patungong kainan.

"I know!" She snapped, following him. "And I already told you, kaya kong pumunta do'n nang mag-isa!"

Vincent stopped and turned around to face her. Seryoso na ang itsura nito--wala na 'yung ngiti, at pati pasensya, ramdam niyang naglaho na sa aura nito.

"And I already told you, too, na kailangan nating sabay na magpunta do'n. Didn't I?" There was something in Vincent's voice that made her take one step backwards. Natatakot siya rito.

"O-oo na..." Pagsuko niya sa pakikipagtalo rito. Naisip niya rin kasi, bakit pa siya nakikipagtalo rito? Eh kahit na ano namang ipaglaban niya, matatalo at matatalo lang siya.

Chess... Please hurry on taking me away from this freak... Dasal na lang ni Sheryl sa kanyang isip.

"Just... stay here. Mag-aayos na ako." Paalam na niya, before leaving Vincent alone in the dining area.

Dirty Games (SEXY BLACK Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon