EPILOGUE

900 39 33
                                    

EPILOGUE

Kath's POV

Napakalakas na tawanan lang ang natanggap ko galing sa kanila. Ilang beses ko nang ipinagtanggol ang aking sarili pero ito sila, tawa, kantsaw, at mapang-asar na ngiti lang ang balik nila sa akin. Bakit hindi sila naniniwala na ang gumawa ng lahat ng iyon ay ang demonyong si Suzette?

" Yon ang kuwento mo, Miss Cortez?" Pumalakpak pa sila sabay nagtawanan. "Ang galing ng pagkaka-kwento mo. Puwede ka na talaga maging isang tanyag na manunulat!" Hindi ko mapigilang hindi mabingi sa napakalakas na tawa nilang lahat. Tawang kailanma'y nakakarinding pakinggan. Kung nandito lang sana sina Jake, Klarisse, Aling Helena at Liz, may maniniwala siguro sa lahat ng mga ipinagsasabi ko.

Matapos ko ng ikuwento sa kanila ang lahat ng mga pangyayari. Simula sa unang kabanata hanggang sa pagtatapos. Kinuwento ko rin sa kanila kung saan nila ako huling nakita-- doon sa bahay nila Liz na pinagkamalan pa akong mamamatay tao! Ako na ang nagmalasakit, ako pa ngayon ang napahamak!

Lahat sila hindi naniniwala kung paano nangyari ang lahat ng iyon. Kung paano naging posible ang mga imposibleng nangyari.

Sa huli, ako pa rin talaga ang talo.

"So sinasabi mong dahil sa plagiarism na 'yan, lahat ng taong may kinalaman sa pagpapahirap kay Suzette kaya siya nabuhay at naghigante?" Malapit pa siyang matawa habang sinasambit ang mga katagang iyon.

"O...opo." Nakayuko lamang ako at sinabi ang katotohanan. Nahihiya ako dahil ang raming matang mapanghusga na nakatingin sa akin. Mga matang walang ibang nakikita kundi ang kamalian ng isang tao.

"Pft! Sige nga, paano mo mapapatunayan na hindi ikaw ang pumatay don? Pag napatunayan mo 'yan, makakalaya ka na. Tutal, mamaya na ang pasko, siguro naman maging mabait muna kami sa iyo. Sige, ipagtanggol mo pa ang sarili mo." Nakatitig silang lahat. Naghihintay ng aking sasabihin.

"Maniwala po kayo! Hindi nga po ako ang pumatay!" Gusto kong magwala pero hindi ko magawa dahil nakahawak ang dalawang pulis sa mga braso ko. Tila naghihintay na dakipin ako kung may balak man akong tumakas.
"Si Zuzette! Si Suzette nga lahat ng pumatay kina Liz pati sa iba ko pang mga kasama!" malakas na sigaw ko. Mukhang hindi ko na nga mapigilang hindi maiyak dahil kahit anong gawin ko, sarili at sarili pa rin nila ang kanilang pagkakatiwalaan. Ano pa nga ba ang aking gagawin kung tanging ang mundo taliwas na sa buhay ko?

Wala na. Mukhang talo na ako.

"Gusto ko sana maniwala sa'yo, miss Cortez, pero wala e. Masyadong imposible lahat ng mga ipinagsasabi mo. Naging isang manunulat ka lang ng katatakutan, naging katakot-takot na rin ang mga kuwento mo. Mukhang gusto mong paniwalain mo kami sa sarili mong kuwento, gano'n ba 'yon?" Nasa harapan ko silang lahat. Nagsalita naman ang isang pulis na nasa harap ko rin. Ang daming taong nanghuhusga sa akin. Pati ang pamilya ni Liz, galit na galit din sa ginawa ko. Alam nilang nag-away kami ni Liz kaya hindi nila mapigilang pagsuspetyahan ako ng ganito.

"Sige, kung 'yan ang pinaniniwalaan niyo, paniwalaan niyo. Nagsasabi ako ng katotohanan at kung may mga mali man akong nagawa noon, ipinagsisihan ko na iyon." Napasinghap pa sila na tila malapit pang matawa.

"Talo na ako. Suko na ako. Tutal, mukhang wala din namang maniniwala sa lahat ng mga sinasabi ko. Sige, kayo na ang panalo, kayo na ang nagtagumpay," mahabang saad ko sa kanila. Napatingin ako sa lahat ng taong nasa harap ko. Lahat sila may galit na nakatingin sa akin at may ngiting mapang-asar.

"O, hayan! Nagsalita ka na rin Miss Cortez. Tama nga kami, lalabas ang katotohanan kung pinagtatawanan." Nagtawanan na naman sila. Sabay-sabay.

"Oo! Ako na ang pumatay! Masaya na kayo ha?! Masaya na ba kayo na ipinagdidiinan niyong ako ang mamamatay tao?! Sige, ako nga, tutal, diyan naman kayo masaya!"  Kung 'yon ang gusto nila, ibibigay ko. Kung 'yon ang nais nila, ipinararaya ko na.

PlagiarismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon