CHAPTER 1

87 4 3
                                    

Hi. Sana suportahan niyo po itong new story na gagawin ko. I would really appreciate your votes and comments. Thank you.

(Play the video on the multimedia)

--------------------------------------------------------------------

"Why do people always come and go? Hindi ba niya kayang makunento sa isa? Hindi pa ba ako sapat? Ginawa ko naman lahat ah? Pero bakit iniwan niya parin ako? Bakit lagi nalang akong nasasaktan? Hindi niya ba kayang maging loyal?" -------- Iyan ang madalas na tanong ng mga taong broken hearted.

"Sabi niya ako lang, nag promise siya eh. Sabi niya wala siyang iba. Sabi niya di niya ako iiwan. Akala ko siya na yung lalakeng maghihintay sakin habang ako naglalakad papuntang altar. AKALA KO LANG PALA." Maraming namamatay sa maling akala.

Niyakap ako ng bestfriend kong si Shantal "Bes hindi ka niya deserve. Hindi niya deserve yang mga luha mo. Madami pang lalaki jan oh. Dumaan lang siya sa buhay mo para bigyan ka ng lesson. Wag ka ng umiyak bes please?"

"PERO BES DI KO NA KAYA GUSTO KO NG MAGBIGTI!! ANG SAKIT KAYA BES. Sobrang sakit. Pang-ilan na to bes. Nakakasawa din palang magpakatanga sa taong mahal mo na lagi ka namang ginagago." sabi ko habang umiiyak

"Ayun na nga bes eh. Ilang beses ka na niyang sinasaktan pero ano ginawa mo? Binigyan mo parin ng chance. Ang tanong deserve niya ba yung mga chances na binibigay mo?"

"Hindi..." sabi ko sabay yuko. Tama nga naman siya. Lagi ko nalang siyang binibigyan ng chance. Wala eh, mahal ko eh.

"See? ISA SIYANG MALAKING TANGA. KASI NILOKO NIYA PA ANG ISANG TULAD MO. PUCHA BES. PUPUTULIN KO YUNG ANO NON MAKITA NIYA." hindi ako sumagot umiiyak lang ako.

"Haynako Julienne Alcantara, tama na iyak naloloka na ko bes ilang beses na kitang sinabihan na tigilan mo na yang gagong Ezekiel na yan eh. Pero anong ginawa mo? Pinagpatuloy mo padin kaya ayan nasaktan ka nanaman."

"Miss ko na siya bes....." sambit ko. Pero binigyan niya lang ako ng isang poker face. Hays. Di ko rin naman masisisi tong bestfriend ko eh. Pang ilang beses na kasi ako niloko netong ex ko pero binibigyan ko padin ng chance. Inis na inis na to sa katangahan ko. Haha.

"Lagot talaga sakin yang ex mo na yan puputulin ko yung ano niya talaga sa Monday. Punyeta siya."

"Beeeessssss" sigaw ko habang humahagulgol.

Tinignan lang ako ng bestfriend ko ng isang malungkot na mukha sabay yakap sakin at hinagod niya yung likod ko.

"He's not worth it, Julienne. Wag mo na siyang isipin" sabi niya sakin

"I can't. I still love him."

"Natural mahal mo pa. Kakabreak niyo palang kahapon tanga ka ba?"

"Bes naman eeehhhhh"

"Sorry. Sorry. Ikaw kasi eh pucha tantanan mo na yang Ezekiel na yan ha. Hahanapan nalang kita ng bago."

Di ako sumagot. Tulo parin ng tulo ang mga luha ko.

"Haynako ang love talaga parang bubble gum. Sa una lang sweet. Tapos pag nanawa na itatapon nalang tsk." bulong netong bestfriend ko pero narinig ko naman

"Time out na muna siguro ako bes. Di na muna ako ulit magboboyfriend. Nakakasawa ng masaktan"

"Good. Sige bes uwi na ko ah. Baka konyatan ako ng nanay ko. Buhbye bes. See you bukas sa school mwa mwa" pagpapaalam niya at umalis na.

Haayyys eto nanaman ako. Magisa nanaman. Magiisip nanaman ako ng kung ano ano. Magooverthink nanaman. Alam niyo ba yung feeling na ayaw mo talagang mag overthink pero hindi mo maiwasan na mapaisip ng mga posibleng mangyari. Hay naloloka na ko.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now