Ikadalawamput-isang Gatas

248 12 2
                                    

Ikadalawamput-isang Gatas

DAMN IT, CLARENCE PEREZ! Napasabunot ako pagkabasa ko ng text message niya. He's frustrating... no, frustrating is an understatement of what he is. Sobrang bagay sa kanya yung kanta ni Katy Perry na Hot N' Cold.

I was contemplating kung dapat ba akong magreply sa kanya dahil hindi ko rin naman alam anong isasagot ko sa kanya.

I started the engine of my car and drove back to my condo. Dumiretso na ako sa kwarto ko and I tried to get myself some sleep pero hindi ako makatulog dahil nakikita ko 'yung mukha ni Clarence kanina habang magkahawak kami ng kamay ni Xavier.

I stood up and went to the bathroom. I looked at the girl in the mirror looking back at me. Dyosa pa rin naman, walang pinagbago. But her eyes looked like they're troubled. Gone were the eyes who had nothing to worry about.

Six months ago, walang Clarence, walang Xavier. Walang KaRence, walang XRen, walang Jessica, walang Engagement Party. Six months ago, Karen and others lang.

I need to get my old life back. I want to. Pero alam ko naman na malabo 'yun kasi marami na masyadong nangyari.

I had to take risks. I had my heart broken. I fell in love. Too much too handle, yes. Buti na lang talaga Dyosa ako.

**

Hindi ako mapakali kaya I decided to talk to Clarence to clear things out. Kung gusto ko na maging maayos ang mga bagay, then I have to talk to the person who I'm having problems with.

Pagkadating ko ng CBI, dumiretso agad ako sa office ni Clarence. Hindi ko na kinailangang magsabi sa receptionist na tadtad ng make-up kasi kilala na nila ako dito. Hah, wait I have to flip my hair to that. Ganda ko talaga.

As I stepped into his office, nakita ko siyang busy sa pagbasa ng documents kaya siguro hindi niya napansin yung pagdating ko. I faked a cough to get his attention pero hindi pa rin niya ako pinansin. I started tapping my shoes pero wala talaga. Nakatayo lang ako doon for five minutes pero talagang hindi niya ako pinapansin.

"Do I have to strip just to get your attention?"

Napaangat siya ng tingin at nakita ko na naman ang seductive smile na si Clarence Perez lang ang kayang mag-pull off. Baka kung ibang babae ako, sinunggaban ko agad 'to eh.

AY PATOLA KA KAREN. UMAYOS KA NGA!

"Pwede rin," he replied at ibinalik na naman ang tingin niya sa documents na hawak niya.

"Clarence, let's talk." Ayun naman ang purpose ng pagpunta ko dito. Nothing more, nothing less.

Hindi na naman niya ako pinansin. Ano bang trip ng lalaking 'to? Nakakainis siya ah. Kinuha ko yung documents na binabasa niya at nakita ko ang pangalan ni Cyra at Danie sa front page. Compilation ng short stories at poems na sinulat nilang dalawa for Clarence. Nakakatuwa dahil ang bata pa nila pero ang effort nila, ganito na.

"Bakit hindi mo ako pinapansin?" I asked him.

"Eh akala ko magsstrip ka?" He grinned. Hinampas ko sa kanya yung folder at napa-aray siya. Serves you right, Perez!

"Bastos ka talaga kahit kailan!"

"I wouldn't be Clarence Perez if I'm not, love." He stood up and started walking to the door. "Tara."

**

I had no clue where he was taking me. Alam niya naman na gusto kong makipag-usap sa kanya at alam ko naman na matino pa ang kondisyon ng utak niya kaya hinayaan ko na lang siya.

Nagulat ako nang tumigil kami sa isang grocery. "Bakit tayo andito?"

He looked at me with disbelief. "Tataya ng lotto o baka mags-swimming."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mamili ng Isang Lalaki, KarenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon