HABHGB 13

410 18 10
                                    

Chapter 13: Should stop.

Dale's POV

"Paano pag.....niligawan ko siya?"

Napatingin ako kay Liam at binigyan siya ng titig. Titig kung seryoso ba siya sa mga sinasabi niya. Si Liam? Seryoso?

"Sige, ligawan mo. Bakit ka pa nagtatanong? Buhay mo 'yan."

Sa pagkasabi kong 'iyun napansin kong nanlaki mga mata niya.

"Kuya? Ikaw ba 'yan? Kilala mo naman ako. So paano kapag sinaktan ko siya? Okay lang sa'yo kasi buhay ko naman ito? Problema ko na ito? Dude, wala ka bang malasakit kay Ella? Akala ko ba---"

"So may balak kang ligawan, sasaktan mo din naman. Hindi laruan si Ella, bro. Edi kung alam mo naman palang sasaktan mo rin siya, wag mo na ituloy panliligaw mo." minsan ang tanga rin nito ni Liam. Kala ko may pag-asang maaayos din utak nito. Then I thought I was the more stupid one.

"Hindi nga siya laruan pero feelings niya pinaglalaruan mo. Bro, naguguluhan na siya. If you have no intentions sa mga ginagawa mo, wag mo na ituloy. Lalo mo lang siyang sinasaktan." dahil doon nag-init dugo ko.

Wala naman akong balak paglaruan si Ella. I don't even play. I just want her to know that we are okay now. Kung binibigyan mang meaning mga ginagawa ko sa kanya, problema na niya 'yon. I'm not in love with her.

"Ayoko na masaktan ko ulit siya. I'm trying my best na mabalik ulit kami sa dati. Ayoko na maramdaman na hindi siya worthless para sa akin. Nagsisisi na ako."

"Nagsisisi ka ba talaga dahil sa guilt na naramdamang mo na pagtutulak palayo sa kanya o nagsisisi ka kasi sana, simula palang, hindi mo na siya pinakawalan pa?"

"Nasa iyo na nga noon, pinakawalan mo. Ang tanga mo." nagiling iling pa siya. Parang retarded.

"Pinaubaya ko na nga siya sa'yo noon pa. Ayaw mo ba? You got what you wanted, Liam. Ayaw mo lang kumilos." bago palang siya magsalita ay dumating na 'yung prof namin.

Ella's POV

Hindi ko na sinagot ang sinabi ni Mama. Tama naman kasi ang mga sinabi niya. Marami ngang nagbago. Sa lahat ng pagbabago na 'yun ay halos wala nang maalala pa sa mga nangyari sa amin noon.

"Samahan mo ako mamaya." pagyaya ni Mama.

"Saan po?"

"To you future boyfriend's house." sagot niya na may nakakalokong ngiti.

"Ma!" I giggled. Baliw talaga itong si Mama.

"Sus, kinilig ka naman? Nako, Ella even I'm too old for that stuff I'm still cool and in."

"Wala po akong sinasabi." I teased.

"Basta, we will go to the Trinidad's later. Alright?"

"Alright." sagot ko nalang at pinagpatuloy sa pag-aayos ng mga pasalubong ni Mama.

Matapos kong tulungan si Mama ay napagdesisyunan ko munang umakyat sa kwarto ko para magpahinga. Napatingin ako sa mga paper bags na nasa tabi ng closet ko. Napangiti ako. Naeexcite talaga ako sa date namin ni Dale.

Narinig ko na may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Napabangon ako at binuksan ito.

"Pa." si Papa pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KathNiel: How A Broken Heart Gets BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon