Chapter 8

2.8K 58 4
                                    

Mabuti na lang at nag drive thru kami sa isang fast food chain dahil buong araw akong walang kain. Sandwich lang ang kinain ko simula pa kanina.

Tinignan niya ako ng masama habang mabilis kong inuubos 'yung burger ko.

Bakit ba? Sa gutom ako e.

Umirap lang siya sa hangin pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.

Nakarating kami sa isang malaking bahay. Actually mukha na siyang mansion sa sobrang laki niya.

Gandang ganda ako kahit nasa loob pa ako ng sasakyan at hindi pa nakakapasok sa loob ng bakuran 'tong kotse ni Boss Rafa.

Pagkapasok ay may malawak itong parking area na punong puno ng magagarang sasakyan. Karamihan nga hindi ko alam kung anong model ng sasakyan. Pero mga mukhang limited edition.

"Sir? Ano pong meron dito? Mukang puro mayayaman ang invited ah."

"What did I told you?"

Tanong niya nang hindi ako nililingon dahil ipinapark niya 'yung sasakyan.

"Po?"

"Just speak if I told you to do so. Baba."

Oo nga pala. May atraso pa ako sa kanya. Grabe naman siya. Ang tagal niyang makalimot. Samantalang ako nakalimutan ko na 'yun.

"Sabi ko baba. I'm not gonna open the door for you, ambitious."

Bumaba na ako agad at baka masabihan pa ako ng kung ano ano ni Boss Rafa

Nauna siyang naglakad kaya sumunod na lang ako.

May isang lalaki na lumapit sa kanya. matangkad at American looking.

"Bro! What's up?"

Nagbrotherly hug ang dalawa.

"Oh. And who's this gorgeous lady?"

Hindi ko alam kung sinong tinatanong niya kasi si Boss Rafa ang kausap pero sa akin siya nakatingin. Ang alam ko lang nakaramdam ako ng init sa mga pisngi ko. Sigurado namumula ko! Gorgeous daw ako! Shocks!

"Speak"

Sabi ni Boss bago kami iwan.

"Ah. Milette. Milette Zapanta."

Nagulat ako ng hawakan niya ko sa kamay at halikan 'yun.

"Nice meeting you dear. I'm Zac. Zac Whitehead."

Ibinaba niya ang kamay ko tsaka bumulong sa akin. "But it's actually pinkish."

Kinilabutan ako ng naramdaman ko 'yung paghinga niya sa may tainga ko.

Tumawa siya ng malakas pero may class pa din.

"I'm sorry you're just new here. But I promise my dear you're gonna enjoy this night. Don't worry, Rafa will give you a portion."

"What are you talking about?"

"Nah! Come on! Let's go inside. The event will start in a few minutes."

Hawak ako ni Zac sa balikat habang pumapasok kami sa malaking pintuan ng mansyon.

Halos puro lalaki ang invited sa event, may makikita kang mga babae pero sobrang kaunti lang.

May kaunting program bago magstart ang dinner. I heard na, for charity purposes ang event na ito. Infairness naman kay Boss Rafa, may kabutihan pa palang naiitatago.

I go to the buffet table para kumuha ng kakainin ko.

"Kuya, pwede damihan mo 'yung pasta, gutom na ko e."

Montenegro Brothers Series 2 - RAFAELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon