A/N Namimiss ko rin kaya si Louis so let's have him and Trisha for the next chapters (*゚▽゚)ノ
Dedicating this chapter to im_mika, thank you for cheering me up last time :) it helped as well.
Check out the pic, it's Louis aka Mr. Sungit ❤❤
-----------------------------------------------------------
[TRISHA'S POV]
"Bess, sabado ngayon ah, sa'n mo gustong gumala?" tanong ni Rina ng makita nya ako sa kitchen.
"Ang dami kong projects due next week besh, tapusin ko muna siguro yun."
"Projects? Bakit di ko alam yan, halos magkaklase naman tayo sa lahat ah."
"Rina naman, edi sa mga classes na hindi tayo classmates." mauubusan talaga ako ng palusot basta si Rina kausap ko.
"Hmmm. Okay. Team bahay na lang din siguro ako."
"Sige Rin. Panhik muna ako sa kwarto insan. Tawagin mo nalang ako pag maykailangan ka."
*sigh* buti naman di na nagtanong pa. Simulan ko na nga plano ko. Hmmm. Ano kaya dadalhin ko, makapag research nga muna.
*typing*
Best cure for fever*scroll* *scroll*
Ano ba yan! Literal na mga names naman ng mga gamot ang lumabas. With scientific names pa, hello? Di po ako mag do-doctor. Again.
*typing*
What to bring to a sick friendHmmmm. Soup daw. Oo nga naman, naisip ko rin yang lugaw. Yan usually sa mga teleserye eh.
*typing* *typing*
Best soup recipe for a sick friendDid you mean: Best soup recipe for a sick boyfriend
Excuse me? Ano raw??! Aba't ang assuming mo Google ha! Okay sige, ayusin ko para sayo.
*typing*
BEST SOUP RECIPE FOR A SICK PERSON WHOM YOU KINDA LIKE LATELY AND YOU REALLY MISS NOW"Oh hayan na Google ha! Inayos ko na, complete na talaga yan. Capslock pa talaga para feel mo yong intense. Siguro naman pwede mo na akong sagutin ngayon nang matapos na tayo."
Hay naku.
"PFFTTT. WAHAHAHAHAHAHAHAHA"
〣( ºΔº )〣
"Inay ko po!" *lingon* "Anakng! Rina! Bakit ka nanggugulat?! Aatakihin ako sayo eh! Anong ginagawa mo rito?"
Tawa parin siya ng tawa. Hinintay ko nalang na matapos. Ano na naman bang topak nito.
"Tapos ka na?" -______-
"Ch-ill, in-san. Woo. Sakit sa tyan. Kaloka ka Trisha. Projects pala ha."
"Anong pinagsasabi mo jan? Projects naman talaga ginagawa ko."
"Hmmm. So anong subject applicable ang "BEST SOUP RECIPE FOR A SICK PERSON WHOM YOU KINDA LIKE LATELY AND YOU REALLY MISS NOW" at inaway mo pa talaga si Google?"
"Ah...eh., culinary. Magluluto kami ng lugaw then yan yong scenario na nabunot ko."
"Really? Eh wala naman tayong culinary subject. Hello, IT course mo kaya. Lokohin mo pa ko."
"Ah...eh...hay, *sigh* Okay sige na. Di yan project."
"So para saan to?" di paba obvious?
"Dadalawinkosisungit."
"Ano yon? Ang bilis mong magsalita eh."
(๑•́ ₃ •̀๑)
"Dadalawin ko si sungit!"
"Ayeeeeee. Sabi ko na eh, may something fishy. Namimiss mo talaga ha. Ayeee." *sundot* *sundot*
"Hindi ah, may utang na loob lang ako dun at medyo kasalanan ko naman kung bakit yon may sakit ngayon."
"Pero kinikilig pa rin ako. At bakit mo naman naging kasalanan? Siguro pinabugbog mo yon sa mga tambay noh?"
"Excuse me? Bakit ko naman yon gagawin aber at kailan ko pa naging kaibigan ang mga tambay dito."
"Baka sobrang bored ka kaya nakigbarkada kana sa mga loko jan sa tabi-tabi, hahaha.. So ano ngang nangyari at you kinda like him na?"
(╯3╰)
"Noong pinuntahan mo kasi si Jake sa park, na bored nga ako pero di yong mga tambay ang kinaibigan ko noh. Nag decide akong mamasyal non."
Tango ng tango lang naman si Rina.
"Naglakad ako habang nag ce-cellphone. E di ko napansin na malayo na pala nilakad ko at pagabi na rin non. May nakatagpo akong mga goons, dalawa sila..."
*flashback*
"Miss, gabi na ah. Saan punta natin?"
"Ah, wala. Uwi na ako." nagmadali akong maglakad pero hinabol nila ako.
"Miss naman, nag-uusap pa tayo eh." sabay hablot ng braso ko.
"Bitawan mo nga ako!" nagpupumiglas na ako at nagsimula ng kabahan. Diyos ko po, wag naman po sana! ╥﹏╥
"Tulong!Tulong!" nagsisigaw na ako pero pansin ko medyo walang bahay masyado. Tanga ko ring gumala.
"Tumahimik kana at mabuti pang sumama ka na lang sa amin."
"Bitiwan mo ako sabi at napakabaho ng hininga mo! Try mong magtoothbrush minsan! Mag deo ka na rin para kumpleto!"
"Aba! Matapang ka ha at ginagalit mo pa ako!" akmang sasampalin nyah na ako ng biglang may humablot sa kanya.
Nagsusuntokan na silang tatlo. Di ko na alam ang nangyayari. Nagtakbuhan na naman yong dalawang goons after. Galing ng hero ko!
"Sa-lamat. Maraming salamat sa pagtulong mo sa'kin." nanginginig pa rin ako at nakatalikod lang ang guy.
"Bakit ka ba naman kasi gumagala mag-isa! Dito pa talaga sa di matao na lugar! Tanga ka ba?!"
Hinihingal pa siya habang naninirmon. Dami nya pang pawis.
"So-rry. Di ko..alam na...napunta na ako dito....sorry." mangiyak-ngiyak na ako pero teka...
"Lo..Louis?"
Di ko agad napansin kasi naka cap siya kanina at medyo nasa madilim na part sya ng area.
"Ikaw nga!" hindi ko alam pero bigla akong napayakap sa kanya at umiyak na laman ng umiyak.
"Sshhh. Tama na. Ihahatid na kita."
Hinatid nya ako pauwi. Pero nong niyakap ko siya pansin ko na medyo mainit siya.
"May sakit kaba Louis?" tanong ko ng nasa may gate kami.
"Nawala na sana kong di lang ako nakipagbugbugan kanina..."
"Pasen.."
"Save it. I don't need to hear you're sorry again. Next time wag kang tatanga-tanga nang di ka makaabala."
Tinawag na naman po nya akong tanga. Nakakamuro na to eh. Pero wala akong karapatan na magalit.
"I need to go. I supposed to have a date tonight pero parang malalate ako. Ipagdasal mo na may aabutan pa ako."
Galit nga sya. Wala pa naman siyang dalang sasakyan. (*>.<*)
"Sorry talaga. Ihahanap na lang kita ng taxi..."
*ring* ring* Nag ring phone nya bigla.
"Cheska, sorry. Papunta na ako. Give me a few minutes..please." *toot* *toot*
Binabaan yata siya ng kausap nya.
"Anakng! Buset! Kasalanan mo talaga to eh!"
Mag so-sorry pa sana ako ng bigla namang syang tumakbo paalis. After a few minutes, bigla namang kumulog ng malakas then umulan na.
*end of flashback*
"Kaya for sure nabasa yon ng ulan at nilagnat ulit at ang masama pa baka di sila nagka abot nung Cheska."
(/ω\)
"Kasalanan mo rin naman pala talaga Trish eh. Hindi ko alam kung malulungkot ako sa nangyari sayo or maiinis. Bakit di mo sinabi sakin at masungit ka pa the next day."
"Ayaw ko namang masira gabi mo ng dahil dun. At busy ka kasi kakaisip sa confession ni Jake. Ayaw ko namang maging panira...."
"Trish naman. Kailanman di ka panira. At yong mga ganoong bagay dapat mong e share sakin. Di yung nagdadabog ka the next day..."
"Ewan ko ba. Naiinis lang kasi ako sa sarili ko. Since nagkakilala kami ni sungit, hinahanap-hanap ko na presence nya. Nung nagkita naman kami, di naging maganda ang ending. Nakagulo pa ata ako dun....lalo na sa Cheska nya." ≥﹏≤
"Sino kaya yung Cheska? Di ko alam na may girlfriend pala si Louis. Sa sungit ba naman nun.."
"Rina, pag nagmahal ang lalaki ng totoo masungit sila sa ibang girls at sa mahal lang nila sila nagpapakita ng ka sweetan.."
"Kasi naman inaway mo rin siya nung nagkita kayo. Kasalan mo rin yan insan."
"Oo na. Ako na. Kaya nga babawi eh. Okay na siguro ang lugaw diba? Ano pa kayang ibang pwedeng dalhin?"
"Okay na yan Trish. Di naman siguro choosy yun pag maysakit. It's the thought that counts."
"Sure ka ha?"(╯3╰)
"Oh sige. Magdala ka na rin ng chocolates at flowers para ligawan mo na rin. Kasi for sure di ka non liligawan anytime now, unahan mo na. Hahahaha..."
"Siraulo ka eh. Palibhasa may lovelife na."
Namula naman agad si Rina. Pabebe.
*hampas* "Wag kang ganyan insan, kinikilig ako. Waaa~~" *hampas*
"Tsk. Dyan ka na nga. Magluluto pa ako ng lugaw." tumayo na ako para lumabas.
"Ayeeh. Si Trisha may crush na~~ Si Trisha may crush na~~ayeeee."
"Di ko crush yun. May utang na loob lang ako."
"Ayeeeehhh. Denial ka bess. Push mo yan. Umamin kana kanina eh. Sige ka! May Cheska pa naman sa tabi-tabi."
Naglakad na sya palayo. Kakaiba ring magpalakas ng loob to si Rina. Crush ko ngaba yun or nagkaka guilt trip lang ako now.
Hayss. Makapagligaw na nga. Este, lugaw. (/ω\) Louis kasi.