Boyish meets Hearthrob (One Shot)

376 5 0
                                    

Hello :) This is my first time to write a story at one shot lang 'to! wanna try lang. HAHAHA! :D

This story is all about a girl na kilos lalaki pero pusong babae. At malalaman natin kung paano ba mainlove ang isang katulad nya sa isang oh-so-gwapong nilalang :D

"Hi, I'm Alexandra Buenavides, alex for short. Simple, hindi kagandahan pero attractive (daw), hindi mayaman, hindi din mahirap. 5 kaming magkakapatid at i'm the only girl among us. Nag-aaral ako sa isang exclusive school at karamihan sa mga friends ko ay mga lalaki kaya wag kayo magtaka kung bakit kilos lalaki ako umasta.

First day of school ngayon so malamang sa malamang nakakatamad pumasok, pero pumasok pa din ako. Namimiss ko na mga tropa ko eh. Nasa 3rd year college na nga pla ako. At eto na nga, papasok na ko sa first subject ko. Pagpasok ko ng room

"Aleeeeex" sigaw ni Dylan, isa sa mga tropa ko. Wala pa kasi ung prof. namin kaya ang ingay.

"Makatawag ka naman dyan parang ang layo ko, bingi ako? bingi?" sabi ko.

"Na-miss ka lang naman namin eh, di mo ba kami na-miss?" sabi naman nya habang ginugulo buhok kong naka-ponytail.

"Namiss syempre, kaya nga ko pumasok para makita kayo e." sabay apir sa kanila isa isa. Sa mga tropa ko lang ah.

Tapos may biglang pumasok na isang napaka-bangong nilalang, nabangga niya kasi ako kaya naamoy ko. Hihi. Pero ang sakit ah, di manlang nag-sorry! hmmp. Pagtingin ko shit ang pogi, natulala ako ng mga ilang segundo lang naman.Hahaha. Hanggang sa

"Miss? Ok ka lang? Miss? Wui!" ay peste, kanina pa pla xa sa harapan ko. Nakakahiya, mejo naka-nganga kse ko. xD

"Ah eh. Oo okay lang ako, mejo masakit lang yung braso ko na nabangga mo" sbi ko sa kanya

"Ay sorry, di ko sinasadya. Kala ko kasi andito na yung prof. natin kaya nagmamadali ako. Sorry talaga. Btw, I'm Reign Lopez and you are?" Ghad! di naman pala antipatiko 'to eh. Nagsorry sya mga ateng. Haha. Nagpakilala pa.

"Aah ayos na yun, nagsorry ka naman na eh. I'm Alexandra Buenavides, Alex for short." pagpapakilala ko.

"Oh nice name, can we be friends? Wala pa kasi ako kilala dito e, Section A ako dati at sa kasamaang palad nalipat ako dito sa Section C."

"Oh sure. Pwedeng pwede! Ipapakilala din kita sa mga tropa ko mamaya"

At yun nga, dumating na yung prof namin after a minutes. At dahil first day of school, alam nyo na yung karaniwang ginagawa ng mga studyante. Hahaha! Tapos after namin magpakilala lahat dinismiss na kami ni prof. Good thing dahil after nun, vacant time. Yahooo! kadalasan nameng gnagawa ng mga tropa ko eh tumatambay sa canteen at dun nag-iingay. DeJk! siyempre nagmemeryenda. :D Ay oo nga pla, kasama namen si Reign, yung na-meet ko kanina na new classmate namin. Pinakilala ko na din sya sa mga tropa ko. Gwapo nya talaga. ^____^

Reign POV

Hello. I'm Reign Lopez. Section A ako dati at sa kasamaang palad, nalipat ako sa Section C. Okay lang, sawa na din naman ako sa Section ko dati. Ang aarte ng mga tao dun kala mo ang gaganda,muka namang mga paa. Hahaha. Hearthrob din pala ako sa school na 'to. At dahil first day of school ngayon nagmamadali akong pumasok. Ayaw ko malate e, haha. At sa kakamadali ko, may nabangga akong diko malaman kong babae o lalaki, joke. Babae sya alm ko pero kasi yung pananamit nya parang lalaki. Tomboy siguro 'to! Pero pagharap nya, parang natulala ata sya kasi mejo naka-nganga sya.

"Miss? Ok ka lang? Miss? Wui!" sabi ko dun sa girl, kanina pa ko sa harapan nya. Namangha ata sa kagwapuhan ko. Hahaha. Joke, humble po ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boyish meets Hearthrob (One Shot)Where stories live. Discover now