Chapter 1 Renuion

109 2 0
                                    

"Hayun na'ng hinihintay mo."

Bigla ang paglingon ni Sofia sa gate.

Papasok ang isang lalaking tantiya niya ay may 29 taong gulang, nakasalamin at sa pagkakangiti ay sungal ang malalaking ngipin...

Inirapan niya ang co-teacher na si Jo.

"Niloloko mo' ko. Hindi naman si Ralph 'yon.

hindi nakasalamin 'yon.

"At hindi gano'n kapangit," natatawang sabi ni Jo na naglagay uli ng mga inuman sa tray.

Ang magkainigan ay in-charge sa distribution ng refreshments. Nakatambak ang yelo at inumin sa sulok ng school compund at paharap sa gate.kaya kita nila ang bawat dumarating..

Niloloko siya ni Jo dahil alam na excited siyang makita sibRalph.Ang bsbae lamang ang nakaaalam ng lihim niyang damdamin para sa lalaki. Magkaklase sila NEHS mula unang taon hanggang matapos ng highschool. Alam ni Jo na first year pa lang sila, crush na niya si Ralph na noon ay graduating na. Pangulonng student body si Ralph, matalino at aktibonsa school activities.

Naglungkot nga siya nang mabalitaang sa Maynila ito mag-aaral ng College. Samantalang sila niJo ay nagtapos sa NEHS, nag-college sa Araulio lyceum at nang magtapos ng EDucation ay sabay na nag-aplay at nagtanggap sa NEHS din mismo. Kaparis ng halos lahat ng bagay na pinlano nila nang sabay, pareha Science ang espesyalidad nila sa tinapos na kurso....

Unang renuion ito ng batch '66 .Ang Batch na kinabibilangan ng klase noon ni Ralph..

Nagawan niya ng paraan namakadalo siyA KAHIT maging tagasilbi man lamang.. Gayon man ay nag nagpatahi rin siya ng bagong damit at sinikap na maging maganda-maganda sa gabi ito..

Ingat na ingat siya sa pagsisilbi at ayaw marumihan ang pula at itim na gown na suot..

"Huwag ka nanag maghintay, hindi darating 'yon," sabi uli ni Jo nang patungo na sila sa mga iyon sa maluwang na ground na nakarahap sa stage..

"Di hindi kung hindi ," aniyang ayaw magpahalata ng panglulumo sa isiping iyon..

"Kung ako sa'yo , sasagutin ko na lang si Meynard, no? Ang tagal nang nagpapakamatay sa' yo ang lokong 'yon..

Co-teacher nila si Meynard at may dalawang taon nang nanliligaw sa kanya.

"Samantalang 'yung hinihintay mo.... baka nga ni hindi alam na me Sofia mae lee sa mundong 'to"..

"Hindi ko naman hinihintay 'yon, a".

"kung hindi, ba't minsa man e hindi ka nag-nobyo?".

"Walang akong nakitang gusto ko."

"Oo na. sige na. 'Ayun o.... me humihingi ng drinks.Dito ka at doon ako.."

"teka ," pigil ni Jo nang aktong tatalikuran na niya..

"Bakit na naman?"..

ONE NIGHT WITH HIM    (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon