Chapter 3

8 0 0
                                    

Some conceal to expand
Some remain cloistered
Owing to trepidation? No.
Tis' the goad of thirst for felicity

----

"Mommy." Tinawag ko kaagad siya pagbukas ko pa lang ng pinto.

"Selen? Ang aga mo ata? Wala ka bang klase?" Pagtataka niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Alam kong magagalit sila mommy at daddy pero kailangan kong sabihin ito para sa ikabubuti.

"What happened Selen?" She asked again.

Pinikit ko ang mata ko at kumuha ako ng lakas para masabi ko na kaagad.

"Mom, I'm dropping out of school." At binuksan ko na ang mata ko.

Wala akong makitang expression sa mukha niya. Kahit ang mga mata niya, wala.

"What did you just said?" Tanong niya. Kahit natatakot ako ay kailangan ko pa ring harapin ito. Nasabi ko na kaya wala nang urungan to.

"I'm not going to school anymore mom. Sorry." Natatakot na talaga ako sa mga tingin niya. Sorry po talaga.

Akmang papagalitan na niya sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok kaagad siya at hinawakan ang kamay ni mommy at hinila papasok sa kanilang silid.

Thank you daddy.

Napangiti nalang ako dahil sa ginawa ni daddy. Siya talaga yung knight in shining armor ko. My one and only dad.

Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nagbihis. Nadaanan ko yung kwarto nila mommy pero wala akong marinig sa kanila. Nag-soundproof ata. Iniwasan ko nalang mag-isip ng kung ano dahil baka makaabot pa sa isip ni dad.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas kaagad ako at nadatnan ko silang dalawa sa sala. Nakaupo si dad sa sofa at naglakad-lakad si mommy.

Papunta na sana ako sa kusina dahil magluluto ako. Gutom na talaga ako. Wala pa kasi akong lunch.

"Selen?" Tawag ni daddy sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Gusto mong doon na tayo sa probinsya ng mommy mo?"

"Talaga daddy? Seryoso?" Sht. Na-eexcite ako! My ghad daddy. Really?!

"Tinatanong pa kita Selen."

"Of course dad. Yes! Yes!" Ang saya-saya ko! Ito lang naman ang gusto ko. Ang malayo sa masasama. Gusto kong umihip muna ng sariwang hangin. Gusto kong makalimot muna. Gusto ko munang mamuhay ng simple.

Sa tuwa ko ay yinakap ko si daddy. "Sigurado ka na ba diyan?" Tinanguan ko lang siya. Thank you talaga dad.

"Sana ay tama ang ginawa mong desisyon Selen. Sana hindi ka magsisisi nito. Hindi ko gustong madagdagan yang mga pagsisisi mo. Alam kong sobrang bigat niyan sa pakiramdam." Sabi ni mommy habang nakaharap na ako ngayon sa kanya.

"Yes mom. Alam kong ito ang tama. Oras na naman siguro para makahinga tayo ng maluwag diba? And thank you. To both of you." And I also hugged her. Masaya ako dahil naiintindihan nila ako.

"I'm thinking of going to London." London? No. Too far. Mas mahihirapan ako sa paghahanap sa kanila sa kinabukasan.

"No mom. I don't want any additional weathers anymore. I choose Philippines kaya!"

Pagkatapos nun ay nagluto nalang kaming dalawa ni mommy habang si daddy may inaasikaso muna.

Supervisor si dad sa tinatrabahuan niyang kompanya. My mom was an actress before. But she choosed to be a model just for now. Last month, a famous music agency asked her to be part of their team. But she refused. At ngayon, hindi pa rin sumuko ang agency na kunin ang mommy ko. Kulang nalang ay kidnappin na nila mommy ko eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walls of Psyche: The NetherworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon