Chapter 23

76.2K 1.6K 297
                                    

Date uploaded: may 25, 2014

Chapter 23

Alex

A cute furball cuddled next to me as I groggily opened my eyes. Madilim pa ang paligid at mukhang malalim pa ang gabi. Binuksan ko ang lampshade at nakita ko si Muning na tulog na tulog sa tabi ko.

"Hey, buddy." I said while stroking his soft fur.

Humikab ako ng malalim at tumingin ako sa relo. It's only 3 in the morning, I really should get back to sleep. Wala pang kaluluwa ang gising sa oras na ito. Ang ibang ngang mga estudyante ay papatulog pa lang ngayon.

Halos tatlong araw akong tulog. Bumabangon lang ako kapag ginigising ako ng campus nurse para kumain at painumin ng gamot. Feeling ko palagi ang bigat-bigat ng katawan ko at pagod na pagod ako kahit wala akong ginagawa.

Si Dr. Jin ang may kasalanan kung bakit ako palaging groge. Lakas tama ng mga gamot na ibinigay nya sa akin! Idagdag pa ang mga nakakabit sa kin na mga gadgets ni Josh. In some ways, kahit ramdam ko ang parang kuryenteng dumadaloy dito, in some ways, it has a calming effect.

Tapos na rin sa wakas ang tatlong araw ng pamamalagi ko sa kwartong ito. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi ko namalayang lumipas ito dahil palagi akong nasa wonderland at lumulutang sa alapaap.

Pinilit kong matulog ulit. I tried to get a comfortable position and I let my mind wander off para lang mabalik ang tulog ko. Niyakap-yakap ko pa si muning na ikinainis nito at nilayasan ba naman ako!

After a few attempts of going back to sleep, I finally gave up. It’s useless na rin since nag-wear off na ang mga gamot at parang pinatay na rin ni Josh itong mga gadgets na nakakabit sa akin kasi hindi ko na maramdaman ang kuryenteng dumadaloy dito. Sabi naman ni Josh naka automatic shut down naman ang mga ito kapag ok na ang binti ko....

Hmmm.... Just to be sure.. matawagan nga si Jung Hwa. Makapangulit na lang, dahil malamang na hindi na ako dadapuan ng antok.

Nakasampung ulit siguro akong tawag bago ito sinagot ng napaka supladong lalake sa buong mundo.

"TELL ME! ARE YOU REALLY TRYING TO ANNOY THE CRAP OUT OF ME!"

Uyyy.. Ang taas ng boses ni Josh a. Hehehehe.

"Good morning din Jung Hwa.. Iyan ang gusto ko sa 'yo e, Ang bait mo talaga tuwing umaga." I said cheerfully. " 3:30 am na a... so that means... 4:30 am na dyan sa inyo.. kung talagang nasa Korea ka nga. O baka naman nandito ko lang sa paligid ligid. Umaga na rin naman kaya nagpapanggap lang akong alarm clock mo.. hehehehe... effective ba?"

"Don't you know that I just got into bed! Nakukuha ko na nga ang tulog ko tapos ……GEEEZZZ Alex! You're annoying as hell!"

"Uy! Improving ka a! Mukhang may nakukuha na akong emosyon sa yo ngayon.. That's good!"

Huminga sya ng malalim. Napag-isip isip siguro nito na hindi sya mananalo sa kin.

"What do you want Alex?"

"Tatanong ko lang kung pwede na akong tumakbo."

“Iyon lang ba ang dahilan ng pagbubulabog mo sa ‘kin?”

“Ummm.. oo… pero kung may gusto ka pang ibang dahilan, wait lang mag-iisip pa ako.”

“You’re just too weird to be called human.”

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon