CHAPTER 7.1: Pagkikitang Muli 1.0

12 3 0
                                    


"IKAW NA NAMAN?!"

Ano bang meron sa araw na ito at sobrang malas ko naman yata? Bakit ba lagi kaming pinagtatagpo nitong mokong na to?

"Yes ako na naman!" sagot pa niya na tila proud pa ata! Walang hiya talaga eh.

"Alam mo bang muntikan mo na akong napatay dahil sa takot mokong ka?!" bulyaw ko sa kanya sabay hampas na naman sa sanga na hawak ko. Pero nasangga lang niya ito at inagaw, saka niya ito tinapon.

Dahil sa ginawa niya ay mas lalo lang akong napikon. Kaya naghanap na naman ako ng ibang panghampas sa kanya. Pero wala akong nahanap kaya kinuha ko na lang tsinelas ko, saka ko siya binato nito.

"Hoy! Ano ba? Bakit ba ang laki ata ng galit mo sakin? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah!" sigaw niya matapos mailagan ang ibinato ko.

"Anong wala?! Anong tawag mo dun sa pagbangga mo sa'kin sa Bus Station. At 'yung pagbato mo sa'kin kanina?! 'Yun ba 'yung wala para sa'yo ha?!" panggagalaiti kong bulyaw sa kanya. Sumusobra na kasi itong mokong na'to eh.

Ngumiti lang siya ng pagkatamis-tamis habang nakatitig sakin na para bang nang-aasar. Oh My God! May gana pa talaga siyang ngumiti eh. Pero infairness, nadagdagan yung charm niya ha. Ha? Hanodaaw? Naku, ba't pa kasi siya ngumiti eh.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin para hindi niya mahalata ang pamumula ng pisngi ko.

"Hey, Easy lang..." sabi niya sabay ngpeace sign siya. "Bakit ba kasi ang sungit mo?" tanong pa niya. Aba! Alangan naman matuwa ako di ba?

"At ano namang ine-expect mo? Aber! Alangan namang matuwa ako sa pinaggagawa mo sa'kin. Kung hindi naman kita kilala." pinandilatan ko siya habang naglitaniya ako.

"Ang bilis mo namang makalimot miss eh. Di ba nga, nasabi ko na sa'yo pangalan ko. Pero kung di mo talaga natatandaan, magpapakilala na lang ulit ako sa'yo. I'm Brylle Castro, you can call me Bray-Bray kung gusto mo lang naman." saad niya sabay lahad ng kamay niya sakin.

Pero teka, ano daw pwede ko itawag sa kanya?!

Loading...

Loading...

Loading...

'-you can call me Bray-Bray kung gusto mo lang naman.'

Pagka-alala ko sa sinabi niya ay bigla na lang bumilis ang heartbeat ko. Siya na kaya si Bray-Bray na kababata ko? Kung ganun tama kaya ang hinala ko? 'Haay ano ba 'yan EJ, bakit di mo na lang kasi itanong sa kanya.' Napag-isip-isip ako, bakit nga ba hindi ko na lang itanong. Ika nga nila, there's only one way to find out.

"A-Ano nga ulit pangalan mo?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya habang naghihintay ng sagot. At hindi ko na naman naiwasan na humanga sa mga mata niya.

"Brylle Castro. You can call me Bray-Bray kung gusto mo."

Hindi ako makahanap ng ibang sasabihin kaya nagtanong na lang ako ulit. "T-Taga dito ka ba? O n-nagbabakasyon ka lang d-dito?" hindi ko mawari ang nararamdaman ko habang hinihintay ang muli niyang pagsagot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala kung siya nga ang kababata ko.

"Aah, nagbabakasyon lang ako dito pero-"

"Pero ano?" tanong ko kaagad. Sobra na kasi ang pagtibok ng puso ko. It feels like its comin' out of my ribcage.

"Ano, aah, hindi ito ang first time ko dito," saad niya na tila nagtataka sa ikinikilos ko. "Teka, ba't mo nga pala natanong?" pahabol niyang tanong.

"Kailan 'yung huling bakasyon mo dito?" Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay nagtanong na naman ako muli. Hindi ko kasi mapigilan eh. Hindi dapat big deal kung siya nga ba si Bray-Bray o hindi, pero nasasabik lang kasi ako na makita muli ang batang iyakin noon. Gusto kung malaman kung may nagbago na ba sa kanya.

"Aah, matagal na." saad niya.

"G-Gaano ka-katagal?" sabi ko na di maiwasan ang pagkaputol ng sinasabi dahil sa kaba. "I mean, kailan...pwede ba maging specific ka naman!" tanong ko na pilit itinatago ang kaba sa pamamagitan ng pagtaas ng boses.

"Hey...easy!" sabi niya sabay taas ng dalawang kamay. "Pwede ba, chill ka muna?"

Paano ba naman kasi ako makakapag-chill kung nakatitig siya? Oh God! Please naman oh...

***

A very, very, very short update...

©NobodyLovesMyStory

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Look At You (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon