Chapter 15

37 1 0
                                    

"What I mean is. . .,

bitin niya sa sinabi tapos tumingin kay Carl na nasa tabi niya at inabot ang kamay nito at pinag intertwined yung mga daliri nila tas ibinalik yung tingin sa akin at. .

si Carl nga pala boyfriend ko na." nahihiya niyang sabi habang namumula ang mukha.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko kahit na may idea na ako na sa ganito din naman sila pupunta.

Pero, WOW lang!

WOW LANG TALAGA!!!

Ang sakit!

Sobrang sakit tagos hanggang buto.

Parang gusto kong manuntok!

Gusto kong magwala.

Gusto ko na lang mawala sa kinatatayuan ko ngayon, kainin ng lupa, itapon sa dagat, kainin ng pating o kahit ano basta mawala lang itong sakit na nararamdaman ko.

Pero hindi pwede.

Hindi ko pwedeng ipakita sa kanyang nasasaktan ako ng sobra.

"W-Wow! Congrats bhes.I-I'm happy for you." sabi ko ng nakangiti. Sana lang di niya ko nahalata. Best actor na yata ako nito sa galing kong umarte. Hahaha. . .

Inayos ko muna ang sarili ko.

Tapos si Carl naman ang hinarap ko.

"Oy Carl ingatan mo tong bestfriend ko ha?! Hwag na hwag mong paiiyakin 'to, malalagot ka sa ken." banta ko sa kanya. Totoo yung sinabi ko. Lagot talaga siya sa aken!

"Oo naman tol! Hinding hindi ko siya papaiyakin. Mahal na mahal ko tong Bestfriend mo!" sagot niya sabay akbay kay Alliyah napaiwas tuloy ako ng tingin. Ang sakit kase sa mata.

"Oh by the way, who is she?" tanong ni Alliyah ng nakaturo kay Nerissa.

Kaya't napabaling ulit ang tingin ko sa kanila at tiningnan kung sino yung tinuturo niya.

Hala! Nakalimutan ko! Kasama ko nga pala itong babaeng to.

Oh great!

Pero bago pa ko makasagot siya na nagpakilala sa sarili niya.

"Oh, hi! I'm Nerissa." nakangiting pakilala niya sa sarili niya sabay abot ng kamay niya dito.

Pero hindi naman kinuha ni Alliyah yung kamay niya sa halip bineso beso niya ito.

Mga girls talaga. . . napapailing na lang ako.

"Hi I'm Alliyah. Ken's bestfriend and this is Carl, my boyfriend. Nice to meet you." mahabang pakilala niya.

Lagi talagang nakadikit sa name ko ang word na BESTFRIEND!

"Nice to meet you too din. Sa wakas nagkakilala din tayo." sagot naman ni Nerissa. Nice nagkwentuhan na sila. Sige lang parang wala silang kasama.

"Bakit naman? Haha." tanong ni Alliyah habang si Carl naman eh pumunta na sa counter para bumili ng pagkain nila. Dito na din syempre sila pumwesto sa table namin. Pang apatan kase itong inuokopa namin ni Nerissa.

"Ah, palage ka kaseng kinukwento sa kin nitong BESTFRIEND mo." tss. daldal talaga. Pinagdiinan pa talaga yung word na Bestfriend. Ayst.

"Talaga? Tungkol saan naman yung kinukwento niya? Siguro pinapapanget niya image ko sa yo noh?!" sabi niya ng nakasimangot at tiningnan pa ko ng masama.

"Hahaha. . Hindi naman. Mejo lang. Hahaha. . . " sagot naman ni Nerissa. Kaya't lalong sumimangot si Alliyah sa kin at pinaghahampas ako sa braso kaya naman panay ilag ko sa kanya.

"Bestfriend"Where stories live. Discover now