Unexpected You (2)

65 0 0
                                    

Jiro's POV

"Magkikita tayong muli." sabi ko sa kanya at kumindat.

Hindi niya ako pinansin.

"Hoy sabi ko magkikita tayong muli." ulit ko.

"Oo nalang." walang gana niyang sabi.

"Tsk, sige paalam." nakangiti kong sabi at sumakay na sa tricycle.

***

"Dude, ano nabili mo ba 'yung pinapabili ko?" tanong sa' kin ni Drake.

"Oo." sagot ko at binato sa kanya.

"Yes!" masaya niya itong binuksan. "Teka dude, kanina nandito si Kaley.. Hinahanap ka."

"Sinong Kaley?" sabi ko at uminum ng tubig.

"Pambihira ka! Si Kaley 'yung kasama natin kagabi dun sa bar."

"Tsk, di ko maalala."

"Loko, hinalikan mo kaya 'yun."

"Talaga?"

"Ewan sa'yo.. Napaka malilimutin mo talaga!" asar niyang sabi.

"At matagal mo nang alam 'yun." tatawa-tawang sabi ko.

Umakyat na 'ko sa taas at nahiga. Bakit ba pakiramdam ko pagod na pagod ako tsk.

"Dude, nagtext si George.. Tara daw sa bar."

"Kayo nalang." nakapikit kong sabi.

"Wow, seryoso ka dude?"

"Oo."

Tumawa siya ng malakas. "For the first time tumanggi ka Jiro!"

"Tsk, umalis ka na nga!"

"Sige sige." tinapik niya ako. "Alis na ko dude."

"Mhm." parang ang bigat ng pakiramdam ko

Pagkaalis ni Drake uminum ulit ako ng maraming tubig. Ano bang ginawa ko kagabi? Sino bang Kaley? Hinalikan ko daw 'yun! Tsk!

Kinuha ko at jacket ko at lumabas.

"Jiro." may tumawag sa' kin.

Humarap ako. "Oh Jenny, bakit?"

"May naghahanap sa'yo kanina.. Kaya lang wala ka pati si Drake kaya si Nanay nalang ang kumuha nito." sabi niya at inabot sa' kin ang sobre.

"Sige, salamat." sabi ko at umalis na.

Bumili ako ng gamot at binasa ang laman ng sobre.. Tsk, nakapasa ako.. nice ang talino mo talaga Jiro

***

9 o'clock na ako nakabalik at malayo palang dinig na dinig ko na ang ingay mula sa Bahay/Bar/Tambayan namin ni Drake.

"Hey Jiro." si George.

"San ka galing dude? Kanina pa kami dito." si Drake at nilakasan pa ang sounds.

"Pwede ba Drake hinaan mo nga 'yan!" sigaw ko. "Ano bang meron at nandito kayong lahat?" tanong ko sa kanila.

"Jiro, ang init na naman ng ulo mo.. Inum ka muna." si Tom at binigay sa' kin ang alak niya.

"Dude, this is your party.. We're celebrating.. Nakapasa ka sa Bradford Academy!" si Mark.

Nagulat ako. "Teka, pa'no niyo nalaman?"

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon