Resisted Love

25 3 3
                                    

Resisted Love

One-Shot/Short Story

All Rights Reserved 2015

Written by: Newgenie

--

Umaga na naman, maagang gumising si James para maghanda dahil balik-pasukan na pagkatapos ng kanilang Christmas break.

Natapos na siya sa paghahanda at dumiretso na siya sa kanyang pinapasukang unibersidad.

Ngunit dahil sa pagmamadali dahil malapit na siyang ma-late, mas binilisan niya ang kanyang paglalakad at hindi namalayang nakabunggo pala niya ang kanyang long-time crush na si Nadine.

"I'm so-rry." Nauutal na utas ni James dahil kahit paulit-paulit niya nang nasilayan ang taglay na kagandahan ni Nadine ay siya'y nabibighani pa rin na parang ito ang una nilang pagkikita.

"It's okay." Walang emosyong sabi ni Nadine at umalis na.

Napapansin rin ni James na parang hindi siya nage-exist kay Nadine kasi kahit anong pagpapapansin ang ginawa niya mula 3 taon na ang nakakaraan, ay wala paring epekto.

Minsan, kinukumbinsi niya nalang ang sarili niya na sadyang manhid lang talaga si Nadine at hindi pa siguro niya nararamdaman ang pagmamahal ni James para sa kanya, na balang araw, maabot rin niya si Nadine.

Nagsimula nang magturo ang kanilang Arts, Drafting, and Technology (ADTech) subject kung saan, ito lang ang tanging asignatura na kaklase niya si Nadine.

"A resistor is an electronic device which is used to oppose the flow of current. Its power rating is determined by its size. The larger the resistor, the higher the power rating." Panimulang diskusyon ng kanilang guro.

"So Sir, what are you trying to imply? Would you just stop talking about nonsense shits and go direct to the point." Tanong ng kanilang maarteng klasymeyt. Siya lamang ang bukod-tanging may lakas ng loob na makapagtanong ng ganon dahil siya ang spoiled na only daugther ng major stockholder ng unibersidad.

"What i'm trying to imply Ms. Cantaros is that ginagamit ang mga resistor para hindi ma-busted ang bulb. It is a passive device, which means it doesn't need electricity for it to operate." Sagot ng propesor.

Nagsitanguhan naman si James at kanyang mga kaklase sa sinabi ng guro.

Natapos na ang kanilang klase at umuwi na si James at Nadine sa kani-kanilang tahanan.

Pagkadating ni James sa kanyang bahay ay dumiretso agad siya sa Technology room ng kanilang bahay ay

inistalk niya agad ang profile ni Nadine sa iba't-ibang social networking sites. Ito na ang kanyang naging daily routine kaya't hindi niya pinapalipas ang isang araw na hindi ito nagagawa.

Natulala naman siya sa kanyang nakita sapagkat kakapost lang ni Nadine sa Instagram ng picture na naka-akbay si Nadine kay Daniel, ang rumored boyfriend ni Nadine.

Paramg piniga ang kanyang puso dahil sa nakitang litrato lalao na nang mabasa niya ang mga komento ng schoolmates niya tungkol sa picture na sumusuporta raw umano sa dalawang taong nasa litrato.

Marami rin kasi ang umiidolo kay Nadine sa kanilang unibersidad sapagkat ito'y maganda na nga, mabait pa. Full package ika nga.

Inisip niya na lamng na may pag-asa pa siya kay Nadine, at sa pag-iisip niyang ito ay inalis niya ang sakit na nararamdaman sa puso't isipan dahil sa litrato.

Nagising siya dahil dinaganan siya ng kanyang nakababatang kapatid.

"Kuya! Gising na para maaga mong makita si Ate Nadine ngayong araw!" Masiglang sabi nito.

Resisted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon