Witch 2

32 0 0
                                    

Chapter 2

Nadetention ako kahapon dahil sa kalandian kong taglay ng mga panahong iniisip ko si Gun sa loob ng klase ni Miss Eskwerd. Di kasi nakapag-asawa kaya galit na galit sa mga tulad kong magaganda. Well, anyway, magpapacheese burger ako sa sarili ko dahil nag-ingles ako at tsaka papasok na ako ngayon sa butihin kong paaralan na pinangalanan na Unibersidad ng San Agustin. Naglalakad na ako sa kahabaan ng kalsada ng Subdivision na nilipatan namin dahil napromote ang Kuya ko(+) sa trabaho.Akalain mong ang tamad at tambay lang dati sa kantong si Kuya Kurt ay Manager na ng isang kilalang kumpanya? Talking about swerte. Aba, ang lintik halos ilibre ang buong brgy. Buraot dahil napromote siya, and take note Patay Baka pa ang itlog! Ay teka, bakit ba nauwi sa pagkwekwento tungkol sa walang kwentang buhay ng Kuya Kurt Ko (di ko talaga gusto tunog nitong tatlong salitang pinagsama) gayong kwento naman ito ng isang magandang dilag at ang pagkukulam niya sa isang kawawalang Prinsipe.

*Beep*

"Ay!Kabayong buntis!" Napatalon ako sa gulat ng may bumusina sa likod ko na isang kotse. Sisigawan ko na sana ang driver ng mayabang na Mercedes na mamahaling kotse na sumisigaw na bagong bili lang siya ng matigil ako dahil sa nakita ko kung sino ang driver nito. Anak ng Meant to be! Si Gun Aragon my loves so sweet! Honeypie! Sugarpie! Buko pie! Panis na tinapay! Kaya naman dreamily akong tumabi at binigyan ng daan ang aking minamahal na prinsipe. Kulang na nga lang ay magbow ako na parang aliping sagigilid para pang theater play ang acting. So hindi ko siya gagawin dahil basically, mukha na akong muchacha.

"Uy! Perez!" Napalaki ang mata ko ng tumigil sa tapat ko ang sasakyan niya. Kaharap ko siya tagusan dahil sa bintana ng kanyang Kotse. At ang mas kinalaki ng mata ko ay dahil tinawag niya ako sa apelyido ko! "Classmate tayo sa Humanities right?" Tapos tinatanong paniya ako. Jusko, Heaven.

"Uh...uh... Yow?" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa kaengotan kong taglay. Yow? Sa lahat ng salitang pwedeng sabihin? Yow pa? Anak ng nesfruta!

Dahil sa sinabi ko ay napatawa bigla si Gun kaya naman nakita ko nalang ang pagbukas ng pinto ng kotse niya sa harap ko at ang buo niyang katawan na akala mo model ng mercedes benz na nakapwesto sa driver seat. Kulang nalang sumigaw siya ng "Buy na!" Tss.

"Hop In. I'll give you a ride." Teka, pakiramdam ko nananaginip lang ako dahil inaaya akong sumakay sa sasakyan ng prince charming ko. Mamamatay naba ako bukas? Sana hindi! OH my Gulay! "Hindi ka pa mamamatay, sakay na bago pa magbago isip ko." Sabi niya na may ngiti pa sa mukha kaya naman nalusaw na ako sa pwesto ko.

"Hala, nakakahiya naman peeo sige na nga." Nagpakipot pa talaga ako. Ako na talaga! Ako na talaga! Ang ganda ko!

Sumakay na ako at nag-aabang sa isang Gagman na sabihing joke lang ang lahat at si Bentong lang na naka-costume ang nasa harapan ko. Luminga-linga pa ako para hanapin ang camera pero ang galing nilang magtago! "Anong hinahanap mo?" Napalingon naman ako sa kanya nagmamaneho na pala siya kaya naman dagdag pogi points siya sakin. Hihi.

"Hidden Camera." Sabi ko bago maghanap muli sa mga lagayan niya sa kotse na hindi ko naman alam ang tawag. "Baka kasi nasa Wow Mali ako e. Teka si Bentong ka ba?"

At dahil dun, bigla siyang nagpreno at dahil isa akong engot na hindi nagkabit ng seatbelt ay nauntog at napamura dahil sa gulat. Bigla naman nawala ang sakit nanararamdman ko sa noo ko ng biglang humagalpak ng tawa si Gun sa tabi ko habang hawak-hawak ang tyan niya. Hala? Baliw na ba siya? Habang hawak ang masakit kong noo ay tinignan ko siya na may pagtatanong. "Wow Mali? Bentong? Hahaha. Hindi talaga ako nagkamali sayo." Ano bang pinagsasabi nitong si Gun? Di porket crush ko na siya ay pwede na siyang maging gwapo pa sa isang greek god. Okay gwapo talaga siya at mala-Greek God kaya kunwari nalang wala akong sinabi.

Witch Romance ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon