Chapter 3

1K 98 28
                                    

#MovingNextDoor

Chapter 3
Peace Offering

It almost seemed like life had been sucked out of my system when I found out the truth. I had never felt this embarrassed in my entire life. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya kung sakaling makasalubong ko siya. I also had no idea how to apologize for accusing him.

I dejectedly laid my head on the table. Para talaga akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Bakit ba kasi hindi ko muna sinigurado? Why did I jump to a conclusion right away?

Naiinis ako lalo dahil wala akong dapat ibang sisihin kung hindi ang sarili ko. I brought this upon myself. Pwede namang magkunwari akong hindi nalaman ang katotohanan. Pwede rin namang subukang iwasan ko rin siya kahit na mukhang imposible dahil magkapitbahay kami.

However, I knew the feeling of guilt wouldn't let me last long. I had to own up to my mistake and apologize to him. I was so determined to do it. I just didn't know how.

"Dawn..." Bumuntonghininga si Lyka. "Walang mangyayari kung nakasimangot ka lang buong araw. Hindi lilipad ang sorry mo papunta sa kapitbahay mo. You need to face him and say it."

"Hindi ko nga alam kung paano..." bigo at walang buhay kong sabi.

"Paanong paano ba?"

"Kung paano ako mag-so-sorry!" Bumangong ako't hinarap siya nang maayos. "Nakakahiya kaya ang mga inasta nitong mga nakaraang araw. Iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako."

"E, 'di kung nahihiya ka, maghulog ka na lang ng letter of apology sa ilalim ng pinto niya. O kung 'di naman, mabilisang pag-sorry. Sabihin mo, I'm sorry, sabay takbo," suwestyon niya.

I sarcastically smiled at Lyka. "Ang galing mo talagang mag-isip ng idea kahit kailan. Sobrang nakatulong ka."

"Of course! Ako pa ba?" she proudly said with a smug smile.

"Bahala na! Uuwi na ako." Tumayo ako saka isinukbit na ang bag. Ubos na rin naman ang kape namin. Nasayang lang paglibre ko kay Lyka. Hindi niya pala ako matutulungan.

"Syempre, sasabay na ako," sabi niya.

Sinamahan ko si Lyka papunta sa waiting shed at hinintay siyang makasakay ng UV. Habang mag-isang naglalakad pauwi, nasa iisang tao pa rin ang isip ko. Buti na lang at hindi ako gaanong kalutang. Nagawa ko pa ring huminto nang maabutan kong nasa labas si Kaleb ng tower.

Nakapambahay lang siya at may kausap na delivery rider. Mabilis niyang kinuha ang delivery mula sa Marugame. I guess he didn't have time to cook his meal. Sa mga nababasa ko, madalas kapag med student ay nawawalan na ng oras sa sarili na minsa'y pati ang pagkain, nakakalimutan nila lalo na kapag may duty.

Does he like Japanese food? Ano kayang binili niya? Pero ngayon pa lang kaya siya kakain ng lunch? Anong oras na?!

While having those thoughts, my eyes slightly widened when I finally thought of a way to apologize. I can cook food for him as a peace offering!

Tama! Pwede ko siyang lutuan ng dinner para mamaya! Pwede ko siyang lutuan ng lutong bahay.

Excitement got into me when I thought about cooking for him. My friends say I'm a good cook. They would often hang out in my small condo unit just so they could eat my food. Kahit magsiksikan kami sa sala slash dining ay okay lang sa kanila.

Ayaw ko lang na basta mag-sorry lang sa kanya, and I also didn't want to be too over the top, kaya ayos na siguro ang ipagluto siya.

Once home, I immediately prepped the ingredients and started cooking after changing my clothes. I had never been this serious when it came to cooking. Gusto kong masiguradong masarap at talagang mapapatawad niya ako sa lulutuin kong nilagang baka.

Moving Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon