Chapter 5

1.1K 123 41
                                    

#MovingNextDoor

Chapter 5
Slowburn

"Bakit hindi mo ako ginising?!"

I slept in and was a huge mess when I left the guest room. I didn't bother to look in the mirror. Nang makita kong mag-aalas dose na ng tanghali, dire-diretso akong lumabas ng kwarto, lalo na't nakita kong may tatlong missed call mula sa maintenance.

Hindi ko alam kung sino ang sumapi sa akin at kung bakit nabuksan ko ang silent mode ng cellphone. I even set up my alarm at seven in the morning para makapag-ayos at makapagluto pa ng umagahan bago dumating ang maintenance ng alas otso. Lutang na siguro ako kagabi.

"Kinakatok kita kanina, pero hindi ka sumasagot. I figured you were having a good sleep kaya hindi na kita inistorbo," Kaleb reasoned as he set plates and utensils on the small dining table. May nakahain na ring hapunan doon na mukhang binili niya sa labas.

"Dapat sinipa mo ako kanina o hinulog sa kama para magising ako," sabi ko habang nakasimangot na naupo.

"I would never do that," seryoso niyang sabi. "Besides, I can't enter your room while you were sleeping without your permission."

Sandali akong napatulala nang bigla siyang naging seryoso. At that moment, it seemed to me like he was raising a green flag while saying those words. Biro ko lang naman pero masyado niyang sineryoso. Hindi na tuloy ako makasagot.

"And there's nothing to worry about. Ako na ang kumausap sa maintenance at sinamahan ko na rin siya sa loob ng unit mo," sabi niya saka naupo na rin sa harapan ko.

"Sinamahan mo? Paano ninyo nabuksan ang unit ko?"

"You left your keys on top of the center table last night. Napansin ko lang no'ng nagliligpit ako kagabi pagkatapos mag-aral," paliwanag niya. "Sinabit ko sa key holder sa tabi ng pinto pagkatapos gamitin kanina."

I did? Ganoon na ba ako kaagad kakumportable sa kanya para maiwanan 'yung susi ko?

"Uhm, ano pala sabi ng maintenance? Gawa na ba? Bakit daw ako nawalan ng kuryente?" tanong ko.

"Nag-short circuit lang daw ang breaker. They were able to fix it in a couple of minutes."

"Ayon lang pala. Buti hindi malala ang nangyari."

Nakahinga ako nang maluwag sa nalaman. Hindi nga lang ako ganoon kasaya. Parang ang bilis naayos ang problema ko sa kuryente. I kind of wanted to stay more in his unit, but at the same time, nakakahiya ring makitulog ulit.

"Let's eat. Bumili na lang ako ng pagkain sa labas," aya niya.

"Okay..."

Ngumuso ako at tiningnan ang dalawang ulam na nakahain. May buttered chicken, seafood broccoli, and yang chow pa ang kanin. Halatang sa labas niya nga binili.

"Next time, ako na ang magluluto ah?" sabi ko habang sumasandok ng ulam. "Mag-grocery na rin tayo mamaya kung wala kang pasok ngayon."

"Sure. Wala akong pasok at duty ng weekend." Binuhat naman ni Kaleb ang bowl ng kanin para mapadali ako sa paglalagay sa aking pinggan. "Is that enough?" he asked when I stopped putting rice on my plate.

I nodded. "Mamaya na lang ulit."

"Okay. Tell me if you want more," he said, placing the bowl back on the table.

Iyon na ata ang pinakamabagal na pagkain ko. Kulang na lang ang pa-slow motion pa ang gawin kong pagsubo at pagnguya para lang tumaga kami sa hapag. I didn't want to finish eating lunch.

Hindi tumayo si Kaleb kahit na tapos na siya sa pagkain. He waited until I finished my food. Tumulong ako sa pagligpit at nag-ayos kahit papaano bago lumabas ng kwarto dala-dala ang aking tote bag.

Moving Next DoorWhere stories live. Discover now